Abaniko
ADVERTISEMENT

Ang abaniko ay isang uri ng pamaypay na ginagamit para magbigay ng hangin sa naiinitan. Ito ay orihinal na habi mula sa halamang aban-iko.

Kadalasan itong ginagamit sa panahon ng tag-init para maibsan ang init na nararamdaman ng isang tao. Ang abaniko ay hugis sagwan, puso, o bilog kung permanenteng nakabukas.

Marami na rin itong iba’t-ibang bersiyon tulad ng natitiklop na gawa sa iba’t-ibang materyales gaya ng papel, balahibo, tela, plastik, at iba pa.

Basahin: Haja Amina Appi

Hango ang abaniko sa wikang EspaƱol na sumisimbolo sa pagkamalikhain ng mga Pilipino. Ang uri ng materyales na gamit na may matitingkad na kulay, at ang disenyo ng habi at hugis ay nagpapahiwatig sa kulturang Pilipino na pinanggalingan nito.

Halimbawa ang abaniko ng mga Ivatan sa Batanes ay hugis bilog na may mga tulis kada pagitang dalawang pulgada sa palibot at may maliliit na butas bagama’t masinsin ang pagkakahabi ng parang yantok na materyales.

Ang abaniko naman ng mga Chabacano ay hindi pangkaraniwan dahil ito ay may dalawang gamit, hindi lang ito ginagamit na pamaymay kundi pwede rin itong gawing sombrero o pantakip sa ulo.

Silipin din: Panahon ng mga Amerikano

Ang pamaypay ng Chabacano ay natitiklop na katulad ng gamit ng mga EspaƱolang babae at Hapones, ang kanilang sombrero naman ay binubuksan at pinagdidikit ang magkabilang dulo para ito ay maihugis sombrero.

Ang materyales na ginamit ay batik na tela na nakadikit sa manipis at malambot na kawayan. Bukod sa pag-uugnay ng abaniko sa baro’t saya, marami ring kahulugan at mensahe ang naipaaabot sa pamamagitan ng paghawak nito.

Tulad ng mensahe ng kahinhinan ang itakip ito sa dibdib ng isang dilag; mensaheng pag-ayaw o pagka-inis kapag namaypay nang mabilis ang isang babae; at sa eskrima, ang aksiyon ng pagbukas ng abaniko ay palatandaan ng kahandaan ng magkalaban sa martial arts.

Basahin din: Barong Tagalog
Kasaysayan ng Pilipinas

ADVERTISEMENT
loading...