Adobo

Ang adobo ay isa sa mga pinakapopular at pinakakilalang tradisyunal na lutuing Pilipino sa loob at labas ng Pilipinas. Maraming nahuhumaling sa sarap nito.

Kasaysayan

Ang adobo sa ay hango sa salitang Kastila na ang kahulugan ay sarsa, panimpla o pangbabad. Noong panahon ng pagsakop ng mga Kastila sa bansa natin, sa loob ng mahigit 300 taon kaya hindi na nakapagtataka na karamihan sa ating mga lutuin ay may pagkakahawig sa lutuin ng mga Kastila.

Ang adobo ay tinatanggap na pambansang lutuin o putahe ng Pilipinas. Ito ay pinaghalong karne ng manok, baboy na niluto sa toyo, suka, dahon ng laurel, bawang at pamintang buo.

Bago pa man dumating ang mga mananakop, nagluluto na ng adobo ang mga sinaunang pilipino. Katulad ng ibang bansa na mayroong mainit na klima, pinepreserba ang karne nito para hindi kaagad masira. Nilalagyan ito ng asin at suka para hindi mapanis o masira.

Basahin: Ang Pambansang Pagkain

Noong nagsimulang makipag-kalakaran, ang mga tsino sa ating mga Pilipino ay ipinakilala ang ilang paggamit ng toyo bilang pamalit sa asin.

Noong sinakop tayo ng mga Kastila ay tinawag nilang “Adobos de las Naturales” o “Native Adobo Dish” ang putahe na nagmula sa salitang Kastila na “Adobar” na ang ibig sabihin ay “Marinate” o “Ibabad”.

Paano niluluto ang Adobo?

Naririto ang mga sangkap ng Adobo:

  • Isang kutsaritang mantika
  • Sibuyas
  • Bawang
  • Karne ng baboy o manok
  • Isang tasa ng suka
  • Isang tasa ng tubig
  • Dalawang dahon ng laurel
  • Asin at pamintang buo

Proseso:

Una, painitin ang isang kutsaritang mantika sa kawali. Igisa ang sibuyas at bawang, tapos ilagay ang karne ng baboy o manok upang maluto hanggang sa ito ay magkulay brown.

Isunod ang suka at pakuluan ito, takpan hanggang 3 to 5 minuto. Matapos, ilagay ang toyo, tubig at dahon ng laurel. Ituloy ang pagpapakulo hanggang 2 to 3 minuto.

Hinaan ang apoy, takpan at ituloy ang pagluluto hanggang sa lumambot ang karne at mabawasan ang sarsa nito. Pangwakas, ilagay ang asin at pamintang buo para pang-dagdag lasa nito.

Basahin din: Pambansang Sagisag ng Pilipinas
Sinulog Festival