Alamat ng Bahaghari

Ang alamat ng Bahaghari at Tauhan nito

  • Mag Asawang Manobo : Ama at Ina ni Blunto
  • Blunto : Anak ng Mag asawang Manobo
  • Walian : Esperitista
  • Misteryosong Binata : Anak ng Haring Araw at Reynang Buwan

Ang kwentong ito ay hango sa kwento ng mga taga isla ng Saranggani sa Mindanao.

Noong unang panahon, ang mag asawang Manobo ay di pinalad na magkaroon ng anak. Lahat ng naipayong halamang gamot sa kanila ay walang mabuting naidulot. kaya malubhang malungkot ang mag-asawa.

Minsan na silang humingi ng payo sa isang nakatatanda at ang sabi lang nito “Kung hindi madaan sa anumang gamot, Dyos ang lapitan nyo”.

BASAHIN : Alamat ng Bayabas

Kaya nagpasya ang mag-asawa na lumapit kay Walian, Si walian ay isang esperitista. Ito ay nagdasal upang humingi ng tulong sa diwata ng pagdadalantao.

At makalipas nag ilang buwan laking tuwa ng mag-asawa dahil makalipas ang ilang buwan ay nagsilang si Misis Manobo ng isang malusog na babae, at pinangalanan nila itong “Blunto”

Si Blunto ay ubod ng ganda at Bukod sa maganda ay napakasipag din nito. Bawat halamang dinidiligan ni Blunto ay namumukadkad at kinagigiliwan.

Isang gabi habang minamasdan ang pamumukadkad ng mga bulaklak ay tila isang panaginip ang nakita ng dalagita.

May isang makisig na lalaki na nakasakay sa lumilipad na puting kabayo, pero maya maya lamang din ay naglaho sa paningin nang dalagita ang makisig na lalaki.

Kaya bigla itong naguluhan dahil hindi niya malaman kung ang nakita ay isang panaginip lang.

Isang umaga habang nagdidilig ay bigla na lamang binulaga si Blunto ng isang tinig, Paglingon nya ay ang lalaking makisig sa panaginip ang nasa harapan nya.

Nagpakilala ito at sinabing nanggaling pa sa napakalayong lugar na mahirap puntahan ninuman. Naging palaisipan kay Blunto ang pagkatao ng makisig na binata. Di na nya tinanong kung ito ba ang nakita nya nung nakaraan.

BASAHIN : Knock Knock Joke Part 2 ( Tagalog )

Hindi na inusisa ng dalagita kung saan galing ang binata sapagkat makausap lamang ito ay masaya na sya.

Laging hinihintay ni Blunto ang pag lubog ng araw sa kadalihanang sa hapon ito dinadalaw ng binata. Umibig sya sa misteryosong binata at ganoon din ito sa kanya.

Bata pa si Blunto upang tumanggap ng mangingibig, sapagkat totoo ang nararamdaman ng binata, nag hintay ito ng ilang taon bago tanggapin ang matamis na oo ni Blunto.

Nang sagutin ng dalaga ay ipinagtapat na ng binata ang totoong pagkatao.

Sinabi ng binata na sya ay anak ng Haring Araw at Reyna Buwan, inamin din nito na di panaginip ang nakita ng dalaga

Nang malaman ng mag asawang Manobo ang tungkol sa misteryosong binata mariin silang tumutol sa pag iibigan ng dalawa sapagkat ang dalaga ay parang kabubukadkad na bulaklak pa lamang.

Kaya sinubukan ng magkasintahan na magtanan sa lugar na hindi basta basta mapupuntahan ng kahit na nino man, ngunit sila’y bigo, kalaunay naiispan ng mag asawang manobo na ikulong nalang si Blunto sa isang kwarto at itaboy ang binata.

Ngunit sa pagpupumilit ng binata

ay nahabag din ang mga ito, ngunit nagbigay ng isang kondisyon.

Ito ay ang makasal ang dalawa sa lupa bago isama sa kaitasan.

Naging payak ang kasal ni Blunto.

BASAHIN : Magkaibigan

“Ama, Ina” mangiyak ngiyak na paalam ni Blunto sa magulang bago sumakay ng puting kabayo na magdadala sa kanila sa kaitasan.

Mahigpit na niyakap ng magulang si Blunto at matapat na kinamayan ng mga ito ang ngayoy manugang.

Ilang araw ang lumipas ay naging malungkot ang mga magulang ni Blunto, subalit tulad ng pangako ng anak ay matatanaw nila ito sa kaitasan.

Ang mistulang arko ng mga bulaklak sa langit ay makukulay na tila bahag ng hari.

At diyan nag tatapos ang kwento ng Alamat ng Bahaghari

Naghahanap ka pa ba ng ibang kwentong Alamat bukod sa Alamat ng Bahaghari ? Maaring pindutin lamang ang link na ito ( Mga Alamat | Panitikan ng Pilipinas )