ALAMAT NG BULKANG PINATUBO 2
ADVERTISEMENT

Ang Alamat ng Bulkang Pinatubo at tauhan nito

  • Datu ng Masinlok
  • Matandang Salamangkero
  • Prinsesa Alindaya
  • Prinsepe Malakas

Sa kaharian ng Masinlok naging usap-usapan ang suliranin ng Datu doon sapagkat ninanais nito na magawa ang dati nitong mga gawain.

Kagaya ng mangaso sa kabundukan sa mga dati niyang pinupuntahan. Ngunit dahil sa kanyang katandaan hindi na niya ito magagawa kung kaya siya ay naging malungkutin.

BASAHIN : Alamat ng Bulkang Kanlaon

Ang impormasyon na ito ay umabot na sa kung saan saan kaya nakarating iyon sa kaalaman ng isang matandang salamangkero, kung kaya siya ay pumunta sa palasyo at nagsabi sa Datu na siya ay magpapatubo ng isang bundok kapalit ng kamay ng Prinsesa Alindaya

Pumayag ang Datu sa sinabi ng Matandang Salamangkero, kaya pagkalipas ng mga araw may tumubong bundok sa pinagtaniman ng bato ng salamangkero.

Unti-unti itong tumataas at lumalaki kung kaya lubhang nalungkot si Prinsesa Alindaya na naging dahilan ng kanyang pagkakasakit.

Nang bumalik ang salamangkero sa kaharian hindi ibinigay ng Datu ang prinsesa sa kanya sa kadahilanang ito nga ay may malubhang karamdaman. Kung kaya umuwing masamang masama ang loob ng salamangkero.

Sa sama ng loob nakalimutan ng salamangkero ang bundok na kanyang pinatubo kung kaya ito ay patuloy na tumaas at lumaki, lubhang nabahala ang kaharian sa nangyayari kung kaya ipinag-uto niya na hulihin ang salamangkero at ito ay pugutan ng ulo.

Ngunit kahit napatay na nila ang salamangkero ang bundok ay patuloy pa din sa paglaki at pagtaas, na lubhang nagpabahala sa kanilang kaharian.

BASAHIN : Alamat ng Saging

Ang balitang ito ay nakarating na kay Prinsipe Malakas kung kaya siya ay pumunta sa kaharian, at sa pagdating ni Prinsipe Malakas sa kaharian Masinlok at sinabi sa Datu ang kanyang pakay at dali-dali niya itong isinagawa ang pagbunot sa bundok at hinagis sa malayo.

Pagkatapos ng mismong araw din na iyon ay bumalik agad ang Datu at ang Prinsipe Malakas at biglang nagbunyi ang buong kaharian kaya napag pasyahan nila sumagawa ng selebrasyon.

Sa selebrasyon na ito doon nakita ni Prinsipe Malakas si Prinsesa Alindaya, at pagkatapos ng kasiyahan na iyon hindi nagtagal ay umibig sila sa isa’t isa at nagdesisyon magpakasal.

Kaya makalipas ang ilang linggo nasaksihan ng mga tao sa kaharian ang isang magarbong kasal ni Prinsipe Malakas at Prinsesa Alindaya.

Minsan nilang dinalaw kung saan yung dating tumubog ang dating bundok at bigla nilang napansin na ito ay naging lawa, kaya binansagan na “ lawa ng Alindaya “, na pag gunita ng kagandahan ni Prinsesa Alindaya at ng pag ibig nito. Na siyang naging dahilan pagkakaroon ng bundok pinatubo, at diyan nag tatapos ang Alamat ng Bulkang Pinatubo

Naghahanap ka pa ba ng ibang kwentong Alamat bukod sa Alamat ng Bulkang Pinatubo ? Maaring pindutin lamang ang link na ito ( Mga Alamat | Panitikan ng Pilipinas )

ADVERTISEMENT
loading...