ADVERTISEMENT

Alamat ng Bundok Arayat at tauhan

  • Sinukan
  • Maria Makiling
  • Pinatubo

Dagdag Kaalaman sa Bundok Arayat.

Ang Bundok ng Arayat ay isang natutulog na bulkan sa pulo ng Luzon sa Pilipinas ng may taas na 1026 metro. Walang naitalang bagay ukol sa huling pagputok ng naturang bulkan, ngunit ang huling pagputok nito ay tiyak na nangyari noong panahon ng Holocene.

Itinuturing ang bundok bilang isang mahiwagang bundok, ang mala-alamat na tahanan ng diwatang si Mariang Sinukuan.

BUOD ng Alamat ng Bundok Arayat.

Ayon sa libro at mga kwento kwento. Noong unang panahon daw, ang orihinal na lokasyon ng Mt.Arayat ay wala sa bayan ng arayat kundi nasa bayan ng Candaba, kung saan pinaniniwalaang si Sinukuan ang nagtayo,

BASAHIN : Mount Pinatubo | Kasaysayan

Si Sinukuan ang hari ng arayat at mga bundok na para sa mga mamamayan ng Pampanga sa Candaba.

Subalit dahil hindi naging maganda ang pag-uugali ng mga tao noon, doon ay nagalit si Sinukuan, at inilipat ang bundok sa bayan ng Arayat kung saan naroon ito ngayon .

Ang dating kinalalagyan ng bundok sa bayan ng Candaba ay naging isang malalim na hukay kung kaya ito ngayon ang tinatawag na Candaba Swamp.

Pinaganda at pinatibay ni Sinukuan ang bundok Arayat upang magpakitang gilas sa kanyang iniirog na si Maria Makiling. Iniibig din ni Makiling si Sinukuan kung kaya ang isa pa niyang manliligaw na si Pinatubo ay galit na galit sa kanila.

Isang araw, habang namamasyal sina Sinukuan at Maria Makiling ay binato ni Pinatibo ang matayog na bundok ng Arayat (kung kaya’t ang hugis ng Mt. Arayat ngayon ay tila napingas ang tuktok nito).

BASAHIN : Mount Apo | Kasaysayan

Nasira ang pinakatuktok na bahagi ng bundok. Nang dumating si Sinukuan sa kaniyang bayan ay nagalit siya sa kaniyang nakita, kung kaya’t dali-dali siyang sumugod kay Pinatubo at ginulo ang at sinira niya ang napakataas na bundok nito.

Kaya ngayon kung inyong makikita, ang bundok ng Pinatubo ay isang napakahabang hilera ng mga bundok at hindi kagaya ng ibang bundok na nag iisa lang.

Naghahanap ka pa ba ng ibang kwentong Alamat bukod sa Alamat ng Paru-Paro ? Maaring pindutin lamang ang link na ito ( Mga Alamat | Panitikan ng Pilipinas )

ADVERTISEMENT
loading...