Alamat ng Luha
ADVERTISEMENT

Alamat ng Luha at dagdag kaalaman.

Alam niyo ba bakit tayo naluluha kapag naghihiwa ng sibuyas?

Nagbibitak ang cells ng sibuyas pag hiniwa ito  at naglalabas ng enzymes. Ang nasabing enzymes naman ay nagre-react sa sulfur kung saan gumagawa ng amino acid sulfoxides. Ito naman ay gagawa ng highly unstable na kumbinasyon ng sulfuric acid, sulfur dioxide at hydrogen sulfide, upang maging rason ng pagluha natin.

BASAHIN : Liberator ng Ilocos | Diego Silang

Buod ng Alamat ng Luha

Noong unang panahon, sa bayan ng San Alfonso nakatira si Maluha. Si Maluha ay isang dalaga na maagang naulila sa kanyang mga magulang noong siya’y musmos pa lamang. Namatay sa panganganak ang kaniyang ina sa kanya samantalang ang kaniyang ama naman ay namatay sa malubhang karamdaman.

Siya ay gustong-gusto ng mga tao sa kanilang bayan dahil sa ito’y maganda, magalang, mabait at masayahin, dati noong hindi pa namamatay ang kaniyang mga magulang.

Ngunit nung simula ng mamatay ang mga magulang nito ay ang dating Maluha na gustong-gusto ng lahat at ay nagbago na. Lagi na siyang malungkot at tulala sa isang tabi.

Isang araw, habang naglalakad si Maluha sa parke ay may nabangga siya na isang lalaki. base na rin sa tangkad at tindig nito

Maluha : Pa-paumanhin po Ginoo, di ko sinasadyang mabangga kayo.

Napatigalgal na lamang siya sa kaniyang kinatatayuan ng mapagtanto kung sino ang lalaking iyon.

Maluha : “S-señorito Hidalgo” ( Mautal-utal ), Pasensya na po talaga kung kayo’y nabangga ko, wala po kasi ako sa aking wisyo.

Nakahinga naman siya ng maluwag sa sunod na sinabi nito.

Señorito Hidalgo : ” Ako’y ayos lamang binibini ” ( Nakangiting sumagot ), Maari ko bang malaman ang ngalan ng isang napakagandang binibini na nasa aking harapan?

BASAHIN : Napapaderang Lungsod | Kutang Santiago (Fort Santiago)

Pagpapatuloy nito, hindi lingid sa kaalaman nya na ang anak ng Gobernador Cillo sa kanilang bayan ay maloko at di nagseseryoso sa lahat ng bagay kaya binansagan itong ‘Ang taga wasak ng damdamin’ wala naman itong maisusumbat sa Señorito dahil ito ay gwapo, matipuno, matangkad, may maputing kutis dahil sa ito’y namana nya sa kaniyang ina, makapal na kilay, mapupulang labi at matangos na ilong.

Maluha : M-Maluhaa po Señorito.

Di naglaon, naging mag-irog ang dalawa. Dala na rin ng araw-araw na pagkikita. Kapag ka tuwing hapon ay pumupunta sila sa kanilang sikretong lugar na tanging sila lamang dalawa ang nakakaalam.

Hanggang sa isang araw, nakita ni Maluha si Hidalgo na may kalampungang ibang babae at ang higit pa roon ay nagsasalitan ito ng labi na siyang paglandas ng kung anumang likido na lumalabas sa kaniyang mata sapagkat ngayon nya lang ito naramdaman.

Tumakbo siya ng tumakbo hanggang sa makarating sa kaniyang tinutuluyan. Hindi na inalintana ang mga tingin ng mga nakapaligid sa kanya.

Kinabukasan, isa sa mga kapitbahay ni Maluha ay dinalhan ito ng pagkain. Kumatok ito sa pinto ng ilang beses ngunit walang Maluha na lumalabas, kaya napagdesisyonan nito na pumasok na lamang sa loob sa pag aakalang natutulog ang dalaga.

BASAHIN :Tulay Pang-alaala | Tulay ng Jones (Jones Bridge)

Tinawag niya ito ngunit walang sumasagot hanggang sa nakakita siya ng tubig sa may tapat ng kwarto ni Maluha. Napangiti ito ng mapait. Ang tubig na kaniyang nakita ay mga tubig na nanggaling sa mata ni Maluha.

Simula noon araw na iyon, kapag may lumalabas na likido sa ating mga mata na dala ng emosyon ay tinatawag na luha. Hinango ito sa pangalan ni Maluha.

Naghahanap ka pa ba ng ibang kwentong Alamat bukod sa Alamat ng Luha? Maaring pindutin lamang ang link na ito ( Mga Alamat | Panitikan ng Pilipinas )

ADVERTISEMENT
loading...