Alamat ng Okra

Dagdag kaalaman sa Alamat ng Okra

Ang okra ay isang uri ng halamanggulay na malawakang itinatanim sa tropiko, may malinamnam na lasa nito at di gaanong madulas sa bibig. Itinuturing itong isang brain food o “pagkaing pangkaisipan” sapagkat taglay nito ang elementong posporo.

Buod ng Alamat ng Okra

Noong unang panahon sa isang palasyo ay may anak ang hari na nagngangalang si Oka, Si okra ay batang sadyang napakasinungaling at napakapilyo. Wala siyang kasundo kahit na isa man sa mga alagad ng hari.

BASAHIN : Arnis | Ang Pambansang Isport

Ang lahat sa kanya ay nangagalaiti sa galit. Sapagkat ang mga ito ay nakaranas na ng kapilyuhan ni Oka.

Nung minsang nagkaroon ng sakit ang hari at ang lahat ay nag-alala sa kanyang sitwasyon. Subalit ang batang si Oka ay walang pakialam sa nangyayari sa kanyang amang hari, patuloy pa rin ito sa paglalaro sa labas ng palasyo.

Nagpatuloy si Oka sa paglalaro hanggang sa siya ay makarating sa gitna ng kagubatan. Sa kagubatan ay nakita niya ang dyosa ng kagubatan na matagal na palang nakamasid sa kanya. 

Kinausap ng enkantada si Oka na kinakailangan na niyang magbago sapagkat kung hindi siya magbabago ay parurusahan siya nito.

Pagkatapos niyon ay biglang naglaho ang engkantada at hindi malaman ni Oka kung saan ito nagpunta. Sa kabila ng pagpapaalala ng engkantada kay Oka ay wala itong ginawa kundi magpatuloy pa rin sa kanyang nakasanayan.

Ang mga araw ay lumipas at ang hari ay lumakas at nanumbalik ang kaniyang sigla subalit ganoon pa rin ang pag-uugali ni Oka. Sa mga oras din na iyon isa pa rin siyang batang pilyo at sinungaling.

BASAHIN : Wastong gamit ng NG at NANG

Ngunit lingid sa kanyang kaalaman na ang Engkantada na kaniyang nakausap sa kagubatan ay ang kaniyang Ama. Ito lamang ay nag panggap na Engkantada upang takutin ang kaniyang anak, at nagbabakasakaling magbago subalit nagkamali siya sa kaniyang akala na magbabago ito.

Kaya’t walang nagawa ang hari kundi ang patawan ito ng parusa. Ginawa ng hari si Oka na isang halamang gulay na may madulas at makating mga katangian. 

Tinawag niya itong Okra ang anak na hindi marunong magtanda at walang pagnanais na magbago.

Naghahanap ka pa ba ng ibang kwentong Alamat bukod sa Alamat ng Okra? Maaring pindutin lamang ang link na ito ( Mga Alamat | Panitikan ng Pilipinas )