Alamat ng Pagong
ADVERTISEMENT

Alamat ng Pagong at dagdag kaalaman.

Alam nyo ba na ang pinakamalaking Pagong na nabuhay sa mundo ay kasing laki ng Kotseng pagong? ito ay ang Archelon (Ruling turtle) umaabot ito ng 15 ft ang haba at 13ft ang lapad at may bigat na 2,200kg.

BASAHIN : Pintados Festival | Kasaysayan

Buod ng Alamat ng Pagong

Noong unang panahon ang talukab ng pagong ay makinis at walang mga lamat tulad ng sa ngayon. Palaging ipinagmamalaki ni pagong ang kanyang talukab. Araw-araw niya itong nililinis at pinapakintab.

Ipinagmamayabang niya sa lahat na sa sobrang kinis at kintab nito ay maaring kang magsalamin dito. Hindi lamang kilala si pagong dahil sa kanyang makinis at makintab na talukab. Kilala din siya na isa sa mga madadaldal na hayop sa gubat.

Hindi nauubusan ng kuwento si pagong. Minsan nang nag-kausap sila ng kaibigan niyang si palaka ay hindi man lamang nakaimik ang madaldal ding si palaka dahil sa dami ng kuwento ni pagong. Halos buong maghapon na nagkuwento si pagong tungkol sa iba’t ibang bagay na nakikita nito sa kagubatan.

Isang araw habang nakikipag-kwentuhan si pagong sa mga kaibigang bibe ay may mga galang tagak ang huminto upang uminom sa may batis. Napagod sila sa kanilang biyahe galing sa ibang lugar kung kayat minabuti nilang huminto panandalian upang makapagpahinga.

Ang mga tagak ay maingay na nag-uusap tungkol sa kanilang mga nasaksihan sa kabilang ibayo kung saan sila nanggaling. Masaya silang nagtatawanan habang inaalala ang kagandahan ng bayan na kanilang binisita.

Naingget si Pagong sa mga tagak kaya gusto niyang sumama upang sa ganoon ay maikukuwento rin niya sa mga kaibigan kung ano mga makikita niya roon. Habang nag-uusap pa rin ang mga tagak ay dali-daling sumabat si pagong.

BASAHIN : Rizal Park | Ang Pambansang Parke

Pagong : Maari ba kong sumama ? upang makita ko yung mga lugar na sinasabi ninyo? panigurado ko maganda kasi ang mga lugar na ito, at para may maikwento din ako para sa ibang kaibigan ko. lalo na at hindi rin nakapunta ang mga iyon sa ibang lugar maliban sa kanilang tinitirahang gubat.

Nagtinginan ang mga tagak.

Tagak1 : Gusto man namin na isama ka ngunit di namin alam kung papaano. hindi ka naman kasi nakakalipad, kaya nag isip ang ang mga tagak kung paano nila ito maisasama

Halos mawalan na ng Pinag-usapan nila ito at maya-maya ay ipinaalam kay pagong ang plano.

Tagak2 : Maari ka namin isama, ang kailangan namin kumuha ng kahoy tapos kakagatin namin ang magkabilang dulo, tapos ikaw kakagatin mo ung kahoy upang makarga ka namin.

Ngunit may kondisyon ang plano na ito, kinakailangan ni pagong na manahimik at hindi magsalita ng matagal sapagkat malayo ang kanilang lalakbayin at baka ito ay mahulog.

Pagong : kaya ko iyon. Huwag lang pala magsasalita kayang kaya ko yun.

Mahigpit ang kagat ni pagong sa kahoy nang sila ay nag-umpisang lumipad ngunit hindi pa sila nakakalayo ay nayamot na siya dahil sa katahimikang naririnig.

Binukas niya ang kanyang bibig at uumpisahan na sanang kuwentuhan ang dalawang tagak na may hawak sa kanya nang bigla siyang bumulusok pababa. Walang nagawa ang dalawang tagak kundi tignan ang pagong ng mabilis na nahulog pababa.

BASAHIN : Baro’t saya | Ang Pambansang Kasuotan ng Kababaihan

Nahulog si pagong at pagbasak sa lupa ay tumama ang kanyang talukab sa isang malaking bato. Buti na lamang at ang matigas ang talukab at hindi ang kanyang ulo ang tumama sa bato. Sa taas at lakas ng pagbagsak niya ay nagkalamat-lamat ang kanyang talukab. Simula noon ay binawasan na ni pagong ang pagiging madaldal at ang kanyang makinang at makinis na talukab ay nagka-lamat-lamat na.

Naghahanap ka pa ba ng ibang kwentong Alamat bukod sa Alamat ng Pagong? Maaring pindutin lamang ang link na ito ( Mga Alamat | Panitikan ng Pilipinas )