Alamat ng Rosas
ADVERTISEMENT

Ang Alamat ng Rosas at mga Tauhan nito

  • Rosa : Pinakamagandang dalaga sa bayan ng Tarlac
  • Mario : Nakatakdang pakasalan ni Rosa

Noong unang panahon sa bayan ng Tarlac ay naninirahan ang isang pinakamagandang babae na nag ngangalang Rosa.

Bukod sa gandang taglay ay nakilala rin si Rosa na gagawin ang lahat para mapatunayan ang tunay na pag-ibig.

BASAHIN : Alamat ng Saging

Ayon nga sa kwento, nakatakda nang ikasal si Rosa kay Mario nang matuklasang may malubhang sakit ang lalaki.

Nguni’t magkaganun man sa kabila ng lahat ay pinili ng dalaga na magpakasal pa din silang dalawa, para mapaglingkuran ang lalaki kahit manlang sa mga huling sandali ng buhay nito.

Gayunman ay hindi pumayag si Mario. Anang binata ay sapat na sa kanya na baunin ang pag-ibig ng dalaga sa kabilang buhay.

Pinaglingkuran ni Rosa si Mario. Hindi siya umalis sa tabi nito. Ang ngiti niya ang nasisilayan ni Mario sa pagmulat ng mata at ang kanya ring mga ngiti ang baon nito sa pagtulog.

Ang mga ngiti rin ni Rosa ang huling bagay na nasilayan ni Mario bago pumanaw.

Lumipas ang ilang araw pagkatapos inilibingn a si Mario at ang mga ngiti ni Rosa ay hindi pa din napawi sa kanyang mukha.

BASAHIN : Alamat ng Mangga

Nang tanungin kung bakit hindi nawawala ang ngiti sa mga labi niya ang sabi niya.

Rosa : Alam kong nasaan man si Mario ay ako lang ang babaing kanyang minahal, at alam ko rin na maghihintay siya sa akin para magkasama kami at hindi na maghiwalay pa.

Naging inspirasyon ng iba ang ipinakitang lalim ng katapatan at pagmamahal ni Rosa at katipan.

Lumipas ang ilang taon nanatiling tapat si Rosa kay Mario hindi na siya umibig pa sa iba, at bago namatay ay hiniling ni Rosa na sa tabi ng puntod ni Mario siya ilibing. Kakatwang may tumubong halaman sa kanyang puntod at kayganda ng naging mga bulaklak.

Tinawag nilang rosas ang mga iyon bilang alaala ng isang dalagang simbolo ng tunay ng pag-ibig.

BASAHIN : Magkaibigan

Naghahanap ka pa ba ng ibang kwentong Alamat bukod sa Alamat ng Rosas ? Maaring pindutin lamang ang link na ito ( Mga Alamat | Panitikan ng Pilipinas )