Alamat Ni Bernardo Carpio

Alamat ni Bernardo Carpio at tauhan nito

  • Infante Jimena : Nanay ni Bernardo
  • Don Sancho Díaz : Tatay ni Bernardo
  • Bernardo Carpio : Lalaking nagtataglay ng kakaibang lakas

BASAHIN : Balagtasan | Kasaysayan at Tungkulin

Noong unang panahon may mag asawang hirap sa kanilang buhay, sila ay sila Infante Jimena, Don Sancho Díaz na naninirahan sa bundok ng San Mateo Rizal.

Sila ay Biniyayaan ng isang sanggol na lalaki, ang sanggol na ito ay malusog at malaki, ang sanggol ay pinangalanan nilang ” Bernardo Carpio “.

Siya ang tanging kayamanan ng kanyang pamilya, ngunit habang papalaki ang sanggol ay may napansin ang mag asawa sakanya na kakaiba, ang kanilang anak ay may di pang karaniwang lakas na tagalay, sapagkat kanyang nasisira ang mga bagay na kanyang nahahawakan hanggang sa paglaki nga ni Bernardo Carpio napatunayan nga nilang tama ang hinala nila na may kakaibang lakas nga itong taglay.

Lumaki siya na isang makisig at malakas na lalaki. Kung kaya ang lahat ng mga kalalakihan ay umurong kay Bernardo Carpio. Ngunit si Bernardo Carpio ay hindi katulad ng karaniwang lalaki na mahilig sa mga kasiyahan.

Siya ay masaya na makipaglaro sa mga hayop sa kagubatan.

lumipas ang ilang taon nakarating ang balita tungkol kay Bernardo Carpio sa isang Engkantong Mainggitin. itong engkangtong Mainggitin ay hinamon si Bernardo Carpio.

Nagtagisan at nagpaligsahan ng lakas ngunit ang Engkanto ay hindi man lang nanalo kay Bernardo Carpio. Kung kaya ito ay naka-isip ng masamang balak.

BASAHIN : Ibong Adarna | Kasaysayan at mga tauhan

Inaya niya ito sa pook kung saan mayroong naglalakihang bato ang magkaagapay. Sinabi niya dito na doon ang kanyang tahanan. Dinala ng Engkanto si Bernardio Carpio sa lugar na iyon. Nang nasa pagitan na ng dalawang bato si Bernardo Carpio ang engkanto ay nawala at naglaho. Naiwan si Bernardo carpio sa pagitan ng dalawang malaking bato. Biglang ang bato ay gumalaw at magdidikit.

Ginamit ni Bernardo Carpio ang kanyang lakas upang siya ay hindi maipit dito.

Kung kaya ayon sa matatanda si Bernardo Carpio ay andun pa din sa pagitan ng dalawang bato. Na kapag lumilindol sinasabing si Bernardo Carpio ay kumikilos upang siya ay makawala sa pagitan ng dalawang bato.

Naghahanap ka pa ba ng ibang kwentong Alamat bukod sa Alamat ni Bernardo Carpio ? Maaring pindutin lamang ang link na ito ( Mga Alamat | Panitikan ng Pilipinas )