Alonzo Saclag
ADVERTISEMENT

Si Alonzo Saclag ay isang Pilipinong katutubong mananayaw. Tumaas ang kamalayan at pagpapahalaga ng kaniyang mga Kalinga dahil sa kanyang kaalaman sa sayaw.

Isinilang siya noong ika-14 ng Agosto taong 1942, at kasapi ng mga Kalinga at katutubo ng Lubuagan, Kalinga. Dahil sa pagnanais niya at talento sa pagsasayaw, tinuruan niya ang kaniyang sarili ng kanilang katutubong sayaw.

Hindi pormal na nakapag-aral si Alonzo Saclag sa mga instrumentong musikal gayundin sa mga sayaw na kaakibat ng kanilang mga ritwal. Sa kabila nito, ginamit ng matamang pagmamasid at karanasan, at higit sa lahat, ng ibayong pagnanais na matutuhan ang mga sining na ito—at kaniya itong napagtagumpayan at naging dalubhasa dito.

Basahin: Vicente Manansala

Patuloy na pinagsumikapang maisalin ni Alonzo Saclag ang lahat ng kaniyang mga kaalaman sa mga tubong Kalinga. Binuo niya ang Kalinga Budong Dance Troupe—isang pangkat ng kabataang lalaki at babae na nag-aaral ng sayaw at musika ng kanilang mga ninuno.

Bahagi ng kanilang mga aktibidad ang pagtatanghal sa iba’t-ibang lugar upang maitaguyod ang kanilang kultura.

Gayunpaman, nagtatanghal din si Alonzo Saclag ng maiikling dula at iba pang malikhaing presentasyon sa mga paaralan upang maparangalan at maipagdiwang ang kahalagahan ng mga Kalinga.

Silipin din: Doctrina Christiana

Nangampanya siya at pinahintulutan ng mga administrador ng mga eskwelahang pagsuotin ng tradisyonal na kasuotang Kalinga ang mga bata sa mahahalagang pagdiriwang o aktibidad tulad ng pagtatapos ng pag-aaral at unang komunyon.

Nagbunga ang kaniyang pagsisikap para mapaunlad ang sining sa pagsayaw, dahil dito ay ginawaran siya ng Gawad Manlilikha ng Bayan noong 2000.

Basahin din: Bolo
Kasaysayan ng Pilipinas

ADVERTISEMENT
loading...