Anekdota
ADVERTISEMENT

Ano ang Anekdota?

Ang anekdota ay isang uri ng akdang tuluyan na tumatalakay sa kakaiba o nakakatuwang pangyayari na naganap sa buhay ng isang sikat o tanyag na tao.

May dalawang uri ang anekdota, ito ay ang kata-kata at hango sa totoong buhay. Ito rin ang nagsasagawa ng mga paliwanag sa ginagawa ng mga tao.

Ang karaniwang paksa ng nito ay ang mga taong kilala sa iba’t-ibang larangan ng buhay.

Layunin nito na maipabatid ang isang katangian ng pangunahing tauhan ng anekdota, kung minsan ito ay nagsasalaysay ng mga tunay na pangyayari at mayroon ding minsan na ang mga pangyayari ay kathang-isip lamang.

Silipin: Knock Knock Jokes

Halimbawa:Isang matandang mahirap ang tumama sa lotto. Ngunit siya ay mayroong sakit sa puso kaya’t ang ahenteng pinagbilhan niya ng tiket ay nag-isip ng paraan upang maihatid ang balita nang hindi aatakihin sa puso ang tumama”.

Sa kanilang pag-uusap ay tinatantiya ng ahente kung ano ang magiging damdamin ng tao kung malaman nito na siya ay tumama sa lotto.

Sinabi ng matanda na kung siya ay sakaling tumama sa lotto ay ibibigay niya ang kalahati sa ahente. Sa kasawiang palad, ang ahente ang inatake sa puso.

Ang mga pangyayaring isinasalaysay sa anekdota ay minsang nagiging pabula na rin, ngunit dahil sa ang mga tauhan ay hindi hayop kundi mga tao, ito’y kapanipaniwala na rin. Ang layunin ng anekdota ay mang-aliw, makapagturo, at makapaglarawan ng ugali at tauhan.

Tingnan din: Panitikan ng Pilipinas
Green Jokes

ADVERTISEMENT
loading...