Araw ng Kagitingan

Ang Araw ng Kagitingan o kilala rin sa tawag na Day of Valor, ay isang pambansang araw ng pag-gunita ng Bataan noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig.

Ang Araw ng Kagitingan ay taunang selebrasyon na idinaraos tuwing ika-9 ng Abril at isa ito sa mga pambansang pista na ginaganap sa Pilipinas.

Basahin: Sinulog Festival

Ang makasaysayang araw na ito noong ika-9 ng Abril taong 1942, makaraan matapos ang tatlong buwang labanan sa Bataan, isinuko ni Major General Edward King Jr. ng Estados Unidos ang kaniyang mahigit-kumulang 76,000 na sundalo sa hukbong ng Hapones.

Libo-libo ang nangamatay sa tinatawag na Death March dahil sa uhaw, init, gutom, karamdaman, at sa hindi magandang pagmamaltrato ng mga Hapones.

Ang mga kaalyadong sundalo na Pilipino, Amerikano, at Intsik ay sapilitang pinaglakad, at sa huling yugto nito ay ipinagsiksikan sa mga bagon ng tren, umabot sa 140 kilometro ang nilakad nila patungo sa Camp O’Donnell sa Capas, Tarlac.

Gayunpaman, humigit-kumulang sa 54,000 na sundalo ang nakaabot nang buhay sa kanilang patutunguhan.

Sa kasalukuyan, nakapaloob ang Araw ng Kagitingan sa Linggo ng mga Beterano ng Pilipinas. Ilan sa mga opisyal na seremonya sa linggong ito ay idinaraos sa Libingan ng mga Bayani, Kampo Aguinaldo, Isla ng Corregidor, Capas, at ang Dambana ng Kagitingan na matatagpuan sa Bundok ng Samat sa lalawigan ng Pilar, Bataan.

Basahin din: Labanan sa Pasong Tirad
Kasaysayan ng Pilipinas