Arnis

Ang arnis o tinatawag ding kali/eskrima ay ang tinaguriang Pambansang Isport ng Pilipinas. Ito rin ay katutubong sining ng pakikidigma ng Pilipinas.

Magmula noong sinaunang panahon, ito na ang ginagamit ng mga mandirigmang Pilipino upang ipagtanggol ang ating bayan laban sa mga dayuhang mananakop.

Sa pamamagitan ng walang-katulad na kakayahan sa sining ng Arnis o Kali, at di-naaapulang alab ng pagmamahal sa bayan, ipinagtanggol ni Lapu-lapu ang Mactan laban sa de-kanyon at de-baril na puwersa ni Ferdinand Magellan at kanyang mga konkistador. Sa huli, nagapi ang mga mananakop at nasawi si Magellan.

Basahin: Cirilo Bautista

Noong Digmaang Pilipino-Amerikano, muling ginamit ng libu-libong magigiting na mandirigmang Pilipino ang Arnis/Kali upang ipanglaban sa mas organisado at mas modernong hukbo ng Amerika. Bagamat hindi nagtagumpay ang puwersa ni Heneral Emilio Aguinaldo, naipamalas naman ng mga mandirigmang Pilipino ang kanilang di-mapapantayang giting, gamit ang sining ng Kali o Arnis.

Isang patunay na napakahaba ng kasaysayan ng Arnis at nagsilbi ito bilang napakahalagang papel sa mga importanteng yugto sa kasaysayan ng Pilipinas.

Subalit, maliban sa paggamit nito bilang pang-depensa sa sarili, ang Arnis ay naka-ugat sa kulturang Pilipino, at nakapaloob dito ang ibat-ibang elemento ng paniniwalang Pinoy. Isa na ito ngayon sa mga maipagmamalaking pamanang kultural ng Pilipinas sa mundo dahil sa taglay nitong mahabang kasaysayan at pagsalamin sa pamumuhay at kultura ng mga Pilipino.

Kumpletong listahan ng mga sagisag ng Pilipinas

Pambansang Awit Lupang Hinirang
Pambansang Bayani Dr. Jose Rizal
Pambansang Hayop Kalabaw / Water Buffalo
Pambansang Ibon Agila / Philippine Eagle
Pambansang Isda Bangus / Milkfish
Pambansang Prutas Mangga / Mango
Pambansang Sayaw Cariñosa
Pambansang Tirahan Bahay Kubo / Nipa Hut
Pambansang Isport Arnis
Pambansang Bulaklak Sampaguita
Pambansang Dahon Anahaw / Fan Palm
Pambansang Sapin sa Paa Bakya
Pambansang Laro Sipa
Pambansang Parke Rizal Park
Pambansang Pagkain Litsong Baboy / Suckling Pig
Pambansang Puno Narra
Pambansang Wika Tagalog
Pambansang mga Kasuotan sa Babae: Baro’t Saya
sa Lalaki: Barong Tagalog

Basahin din: Pambansang Sagisag ng Pilipinas | Mga Anyong Tubig