Baguio
ADVERTISEMENT

Ang Baguio ay ang “Summer Capital” ng Pilipinas na matatagpuan sa lalawigan ng Benguet. Ito ay nasa ibabaw ng isang talampas na may 1,520 metro ang taas.

Mayroon itong pangkaraniwang temperatura na 18 sentigrado kaya madalas itong dinarayo ng mga turista dahil sa ganda ng klima nito.

Ang malamig na klima sa siyudad ay ang nagsisilbing pangunahing atraksiyon sa mga dayuhan at lokal na mamamayang Pilipino upang puntahan ito lalo na sa panahon ng tag-init.

Unang tinawag sa Baguio ng mga katutubo mula sa iba’t-ibang pangkating entiko ay “Kafagway”, ang kasalukuyang pangalan naman ay sinasabing hinango sa halamang “bagiw”.

Basahin: El Nido

Nagtungo sa Baguio ang mga mananakop na EspaƱol upang maghanap ng mga mina ng ginta, pilak, at tanso.

Nang mapasakamay sa mga Amerikano ang Pilipinas, itinatag nila ang unang pamahalaang sibil noong ika-1 ng Hunyo taong 1903.

May tatlong pangunahing daanan papunta sa siyudad, ito ay ang Naguilian Highway, Marcos Highway, at ang Kennon Road. Ang pinaka-pangunahing daanan sa loob ng lungsod ay ang Session Road.

Makikita rin dito ang popular na parkeng pasyalan na kung tawagin ay Burnham Park na ipinangalan kay Daniel Burnham na siya ring nagdisenyo at nagplano sa siyudad.

Napakadaming magagandang pasyalan ang matatagpuan sa Baguio kaya hindi maikakaila na dinarayo talaga ito ng mga dayuhan.

Dito rin ipinagdiriwang ang taunang selebrasyon na Panagbenga Festival na nagtatampok sa mga magagandang bulaklak na tanim sa malamig na kabundukan.

Basahin din: Boracay
Kasaysayan ng Pilipinas

ADVERTISEMENT
loading...