Balangay
ADVERTISEMENT

Ang balangay o bangkang Butuan kung tawagin ay isang tablang bangka na nakaratig sa isang nakaukit na bangka sas pamamagitan ng panuksok at sabat.

Una itong nabanggit noong ika-16 na siglo sa salaysay ni Antonio Pigafetta, kilala rin ito bilang pinakamatandang sasakyang pantubig na matatagpuan dito sa Pilipinas.

Ang balangay din ang mga sasakyang pandagat na nahukay sa Surigao noong dekada 70 at tinawag na balanghai. Tawag din ito sa isang pamayanang binubuo ng 30 hanggang 100 magkakalapit na pamilya na pinamumunuan ng isang datu.

Basahin: Maharlika

Noong kolonya ng Espanya, isinulat itong barangay at walang makatiyak sa paraan ng bigkas. May mga sabi-sabi ang ilang historyador na naging barangay ang anyo ng balangay dahil hindi ito mabigkas ng mga dahuyan nang maayos.

Gayunpaman, naging popular ang pagbigkas na ba-ran-gay na mula sa pa-Ingles na pagtukoy na naging tawag sa lokal na pamahalaan sa kasalukuyan.

Sa panahon ni dating Pangulong Ferdinand Marcos, ipinahayag nyia ang isang lipunang barangay upang bigyang halaga ang tungkulin ng pinakamaliit na yunit ng pamahalaan sa gawaing pambansa.

Noong ika-21 ng Setyembre taong 1974, sinimulang tawagin na barangay ang mga baryo dahil sa bisa ng nilagdaan ni dating Pangulong Ferdinand Marcos na dekreto.

Basahin din: Kolonya ng Espanya
Kasaysayan ng Pilipinas

ADVERTISEMENT
loading...