Banaue Rice Terraces

Ang Hagdan-hagdang Palayan ng Banawe o Banaue Rice Terraces sa Ingles ay umaabot sa 2000 taong gulang na hagdanang taniman na nililok sa mga bulubundukin.

Matatagpuan ito sa mga bulubundukin ng Ifugao sa Pilipinas, nililok ito ng mga ninuno ng mga katutubong mamamayanang Batad.

May lawak ito na 191.20 kilometro kuwadrado at binubuo ng 18 na barangay at may densidad ng populasyon na 110 bawat kilometro kuwadrado.

Basahin: Golpo

Pook ito ng pangkating Ifugaw na may ipinagmamalaking tradisyon sa paghabi ng tela, paglala ng basket, at paglilok. Ang mga produktong ito ay tradisyonal na sining at mahalagang industriya ngayon at bahagi ng mga pang-akit sa mga turista.

Ang bantog na Banaue Rice Terraces ay ang payyo katabi ng poblasyon, ito ang hiyas ng mga Ifugaw at madalas makikita sa mga poster at postkard na panturista. Gayunpaman, isa pang maganda at higit na naalagaang payyo ay matatagpuan sa nayon ng Batad.

Umiikot ang kultura ng Ifugao sa palay, at nagbubunga ang kultura ng mga masalimuot na pagdiriwang na konektado sa ritwal na pansaka mula sa paglilinang ng palay hanggang sa pagkain ng kanin.

Nagsasagawa ang mga Ifugao ng tradisyonal na pagsasaka, naglalaan din sila ng kanilang gawain sa Banaue Rice Terraces tulad ng paglilinang ng mga lamanlupa.

Pagkaraan ay idineklara ang Hagdan-hagdang Palayan ng Banawe ng pamahalaang Pilipino bilang Pambansang Kayamanan sa Kalinangan sa bisa ng Presidential Decree No. 260 noong 1973.

Basahin din: Cagsawa
Kasaysayan ng Pilipinas

ADVERTISEMENT
loading...