ADVERTISEMENT

Ang mga bantas ay mga simbolo na humahalili sa tama at wastong pagintindi ng mga teksto. Ito ay ginagamit sa paglilinaw ng mga kahulugan ng isang pahayag.

Kabilang sa mga bantas ay ang mga sumusunod:

Tuldok.
Tandang Pananong?
Tandang Padamdam!
Kuwit,
Kudlit
Gitling
Tutuldok:
Tuldok-kuwit;
Panipi“”
Panaklong()
Tutuldok-tutuldok

Basahin: Baybayin

Wastong Paggamit ng mga Bantas

Tuldok – Ito ay ginagamit na pananda o panapos sa isang talata:

  • Si Janine ay isang napakagandang dilag.
  • Sa Pangalan at salitang dinaglat.
    -> Si Dr. Ramirez ay isang mahusay na doktor.
  • Sa mga titik o tambilang na ginagawang pamilang sa bawat hati ng isang balangkas, talaan.

Tandang Pananong – Ito ay ginagamit kung ang isang tao ay nagtatanong.

  • Sa pangungusap na patanong.
    -> Ilang taon kana?
    -> Kailan ka pa nakauwi galing ibang bansa?
  • Sa loob ng panaklong upang mapahiwatig ang pag-aalinlangan sa diwa ng pangungusap.
    -> Ikaw ba ay? marunong sa lahat ng gawain dito sa bahay.

Tandang Padamdam – Ito ay ginagamit sa hulihan ng isang kataga, parirala o maging sa pangungusap na nagsasaad ng matindi o mabagsik na damdamin.

  • Kapag ang isang tao ay mayroong matinding ekspresyon.
    -> Sinungaling ka! bakit hindi ka pa mawala!

Kuwit – Ito naman ay ginagamit sa ganitong mga kaparaanan:

  • Paghihiwalay ng isang sinipi.
  • Paghihiwalay ng magkakasunod na salita at lipon ng mga salitang magkakauri.
    -> Kumain ka ng gulay, ito ay nakakabuti sa iyong kalusugan.
  • Sa hulihan ng bating panimula at bating pangwakas ng isang liham.
    -> Mahal kong Guro,
    -> Lubos na nagmamahal,

Basahin din: Ang Talumpati

Kudlit – Ito ay ginagamit na panghalili sa isang titik na kinakaltas.

  • Kapag ang dalawang salita ay nais mong pagsamahin.
    -> Ako at ay = Ako’y isang Pinoy

Gitling – Ginagamit naman ito sa loob ng salita sa mga sumusunod na pagkakataon:

  • Sa pag-ulit ng salitang ugat o mahigit sa isang pantig nito.
    -> Araw-araw mo na lang yan suot.
    -> Iba’t-ibang uri ng mga hayop ang makikita mo riyan.
  • Kung ang unlapi ay nagtatapos sa katinig at ang salitang nilalapian ay nagsisimula sa patinig na kapag hindi ginitlingan ay magkakaroon ng ibang kahulugan.
    -> Huwag kang mag-alala hindi ka nag-iisa.
  • Kung ang katagang kinaltas sa pagitan ng dalawang salitang pinagsama.
    -> humigit at kumulang = humigit-kumulang

Tutuldok – Ginagamit itong bantas matapos maipapuna ang pagpapakilala sa mga sumumsunod na paliwanag.

  • Ginagamit kung may lipon ng mga salitang kasunod.
    -> Sundin ang mga sumusunod:
    Linising mabuti ang silid-aklatan
    Huwag maingay sa oras ng klase.
  • Pagkatapos ng bating panimula ng pormal na liham-pangangalakal.
    -> Dr. Ramos:
    -> Bb. Sanchez:
  • Sa paghihiwalay sa mga minuto at oras, maging sa yugto ng tagpo sa isang dula, kabanata at taludtod ng Bibliya.
    -> 12:00 nn
    -> Juan 3:16

Silipin din: Buwan ng Wika

Tuldok-kuwit – Ito ay naghuhudyat ng pagtatapos ng isang pangungusap na kaagad sinundan ng isa pang sugnay na hindi gumagamit ng pangatnig.

  • Maaaring gumamit ng tuldok-kuwit sa halip na tutuldok sa katapusan ng bating panimula ng liham pangalakal.
    -> Ginang;
    -> Binibini;
  • Ginagamit din sa pagitan ng mga sugnay ng tambalang pangungusap kung hindi pag-uugnay ng pangatnig.
    -> Uminom ka ng maraming tubig; ito ay makabubuti sa iyong katawan.

Panipi – Ito ay inilalagay sa unahan at dulo ng isang salita.

  • Ginagamit upang ipakita ang buong sinasabi ng isang nagsasalita o tuwirang sipi.
    -> Ang dula ay hango sa salitang “drama” na nangangahulugang “gawin o kilos”.

Panaklong – Ito ay ginagamit na pambukod sa salita o mga salitang hindi direktang kaugnay ng diwa ng pangungusap.

  • Ginagamit ito upang kulungin ang pamuno.
    -> Ang ating Pambansang Bayani (Jose Rizal) ay ang may-akda ng Noli Me Tangere at El Filibusterismo.
  • Ginagamit pamilang o halaga na inuulit upang matiyak ang wastong kahulugan.
    -> Mayroong higit sa labing-pito (17) ang sugatan sa insidente.

Tutuldok-tuldok o elipsis – Ito ay bantas na nagpapahiwatig na kusang ibinitin ng nagsasalita ang karugtong ng nais na sabihin.

  • Upang ipakitang may nawawalang salita sa siniping pahayag.
    -> Ito ay ipinagtibay ni dating Pangulong Marco…
    -> Ang susunod na kabanata ay itutuloy…

Basahin din: Sawikain o Idyoma
Kasaysayan ng Pilipinas