Bistek

Ang bistek ay masarap, isang simpleng putahe na niluto sa kalamansi na may toyo.at sinamahan ng sibuyas. Kinagisnan natin itong tawaging BISTEK na dapat ay Beef Steak. Palibhasa ay lutong tagalog pati tuloy pangalan naging tagalog.

BASAHIN : Ginisang Monggo | Panlasang Pinoy

Kasaysayan

Ang lutong bistek ay nilalagyan nang suka, toyo, sibuyas, bawang, paminta at sinamahan pa ng sangkap na kalamansi, at kung sainyong mapapansin ang mga sangkap nito ay simple lang at madali hanapin. sapagkat ang bistek ay lutong galing sa katagalugan sa Luzon.

At alam nyo ba na ang bistek ay di lang kilala sa Pilipinas, dahil ultimo sa labas ng bansa ay paborito rin ito ng ibang dayuhan at ang tawag nila dito ay Beef steak. Ang ibig sabihin ng Bistek sa wikang Kastila, Espanya at Amerika ay nangangahulugang Inadobo na Baka.

BASAHIN : Lumpiang Shanghai | Panlasang Pinoy

Mga Sangkap ng Bistek

6Hiwa ng Pinakamalambot na parte ng Baka
1Kutsara ng katas ng kalamansi
1Kutsara ng Toyo
1Kutsarita ng Asin
1Kutsarita ng Paminta
3Kutsarita ng Mantika
1Malaking Puting Sibuyas ( Hiniwang pabilog )

BASAHIN : Pininyahang Manok | Panlasang Pinoy

Proseso ng Pagluluto ng Bistek

Una : Ibabad ang karne sa toyo na may kalamansi at paminta sa loob ng isang buong oras

Pangalawa : Pagmalapit na ang isang oras, kumuha ng kuwale at painitan ang mantika at igisa ang mantika ng half fry lang sabay itabi lang muna.

Pangatlo : Salain na ang pinagbabaran ng karne, ngunit wag nyo itapon ito, pagkatapos iprito ang karne kung saan mo prinito yung sibuyas, prituhin ito ng isang buong minuto at pagkatapos ay itabi lang ulit.

PangApat : Igisa naman na ang bawang at kasama ang ibang sibuyas, pagkatapos buhusan ng tubig kasama ang pinagbabaran ng karne sabay pakuluan na.

PangLima : Takpan ang kawale at pakuluan lang maigi hanggang lumambot ang karne at mangamoy na ang pinagmarinated. pagkatapos ay lagyan na ng paminta at haluin at paglipas ng ilang minuto pwede na ihain.

Gusto mo ba malaman kung anong sangkap at kung pano lutuin ang ibang putaheng pinoy na meron tayo? maaring pindutin lamang ang link na ito Panlasang Pinoy.