Bugtong
ADVERTISEMENT

Ang Bugtong, pahulaan, o patuturan ay isang pangungusap o tanong na may nakatagong kahulugan na nilulutas bilang isang palaisipan.

May dalawang uri ang bugtong: mga talinghaga o enigma, bagaman tinatawag ding enigma ang bugtong, mga suliraning ipinapahayag sa isang metapora o ma-alegoryang wika na nangangailangan ng katalinuhan at maingat na pagnilay-nilay para sa kalutasan, mga tanong na umaasa sa dulot ng patudyong gamit sa tanong o sa sagot.

Sa Panitikan ng Pilipinas, nailalarawan nito angg pag-uugali, pang araw-araw na buhay at katutubong paligid ng mga Pilipino. Bilang isa na ring maikling tula, madalas itong nagiging palaisipan sa tuwing naglalaro ang mga kabataan.

Sa pagsisimula ng isang bugtong sa wikang Tagalag, karaniwan ay sinasabi muna ang katagang “bugtong-bugtong” bago pa man sabihin ang aktuwal na bugtong at madalas itong may tugma.

Basahin din: Ang Maikling Kwento

Mga Halimbawa:

"Bugtong-Bugtong"

1. Langit sa itaas, langit sa ibaba, tubig sa gitna
Sagot: Niyog

2. Ate mo, ate ko, ate ng lahat ng tao
Sagot: Atis

3. Kung tawagin nila ay “Santo” pero hindi naman ito milagroso
Sagot: Santol

4. Ang anak ay nakaupo na, ang ina’y gumagapang pa
Sagot: Kalabasa

5. Maliit na bahay, puno ng mga patay
Sagot: Posporo

6. Dumaan ang hari, nagkagatan ang mga pari
Sagot: Zipper

7. Tubig na nagiging bato, batong nagiging tubig
Sagot: Asin

8. Naligo si Kaka, ngunit hindi man lang nabasa
Sagot: Dahon ng Gabi

9. Bumili ako ng alipin, mas mataas pa sa akin
Sagot: Sombrero

10. May balbas ngunit walang mukha
Sagot: Mais

Basahin: Iba pang mga halimbawa ng Bugtong Tagalog

11. Bulaklak muna ang gawin, bago mo ito kainin
Sagot: Saging

12. Pagsipot sa maliwanag, kulubot na ang balat
Sagot: Ampalaya

13. Isang senyorita, nakaupo sa tasa
Sagot: Kasoy

14. Baboy ko sa parang, namumula sa tapang
Sagot: Sili

15. Sa init ay sumasaya, sa lamig ay nalalanta
Sagot: Acacia

16. Sa madre at pari itong kasuotan, pormal na unipormeng kagalang-galang
Sagot: Abito

17. Mga duming parang sapot ang dating, dapat itong sungkitin at walisin
Sagot: Agiw

18. Baston ng Kapitan, hindi mahawakan
Sagot: Ahas

19. Tubig ito na takbo nang takbo sa dagat-dagatan, sa ilug-ulugan, pati na sa batuhan
Sagot: Agos

20. Alalay ng mga ikakasal sa simbahan, kasu-kasunod sa bawat paghakbang
Sagot: Abay
Basahin din: Green Jokes
Knock-knock Jokes

ADVERTISEMENT
loading...