Buko Pandan
ADVERTISEMENT

Buko Pandan ang isa sa pinakamadaling gawin na merienda at handa na makikita natin sapagkat lahat ng sangkap nito ay madali lang hanapin at madali lang ito gawin, paano nga ba gawin ang Bukod Pandan?

BASAHIN : Lumpiang Shanghai | Panlasang Pinoy

Kasaysayan

Noon pa man ang panghimagas na ito ay talagang sikat na at kinababaliwan ng iba, sapagkat masarap ito at abot kaya lang ang presyo. kung saan ang kailangan mo lang ay nata de coco, gulaman powder mix, all purpose cream, condensed milk at ang pinakamahalaga buko at pandan leaves.

BASAHIN : Puto Bumbong | Panlasang Pinoy

Mga Sangkap ng Buko Pandan.

2Tasa ng Kinayod na Niyog
2Tasa ng nakaboteng Nata De Coco
1Pack ng Green Mr. Gulaman Powder mix
1⁄2 Tasa ng asukal
6Tasa ng tubig
2Piraso ng Sariwang dahon ng Pandan
1Malii na lata ng all purpose cream
1Maliit na lata ng Condensed Milk

BASAHIN : Ham and Cheese Empanada | Panlasang Pinoy

Proseso ng Pag gawa ng Buko Pandan

Una : Sa isang kaserola, pakuluan ang pandan leaves sa 6 na tasang tubig. Hayaang kumulo ng mga 10 minuto para mas lumabas ang flavor ng pandan. Alisin ang dahon ng pandan at ilagay ang Mr. Gulaman powder mix at asukal. Halu-haluin

Pangalawa : Hanguin at ilagay sa mga square na lalagyan, hayaang lumamig hanggang sa mabuo. pagkatapos Hiwain ang gulaman ng pa-cube at ayon sa tamang nais na laki, sabay ilagay ito sa bowl.

Pangatlo : Ihalo ang sweet coconut strips. nata de coco, cream at condensed milk. halu-haluin. Palamigin sa fridge bago ihain, paglipas ng ilang oras at malamig na ito pagkahain mo paniguradong uulit ulitin mo itong gawin.

Gusto mo ba malaman kung anong sangkap at kung pano lutuin ang ibang putaheng pinoy na meron tayo? maaring pindutin lamang ang link na ito Panlasang Pinoy.

ADVERTISEMENT
loading...