Bundok Banahaw

Ang Bundok Banahaw o Mount Banahaw sa wikang Ingles ay isang dating bulkan sa Pilipinas na matatagpuan sa hangganan ng mga lalawigan ng Laguna at Quezon.

Ito rin ay tinatawag na extinct volcano, dahil ito ay dating bulkan kaya’t maraming hot springs ang matatagpuan dito at maraming tao rin ang sumusubok na akyatin ang tuktok nito dahil sinasabing may milagro raw yung tubig na nakapagpapagaling sa mga may sakit.

Dahil sa tubig na nakakapag-pagaling, tinawag itong Banal na Bundok at naging popular na pasyalan ng mga pilgrims at turista lalong-lalo na ang mga taong may interes sa pag-akyat ng mga bundok.

Ang Bundok Banahaw ang itinuturing na pinakamataas na bundok sa Rehiyon IV-A (CALABARZON). Sa kasalukuyan ay tinatawag na itong Bundok Banahaw-San Cristobal Protected Landscape.

Basahin: Mount Pulag

Maraming tuktok ang bundok na ito tulad ng sa Mt. San Cristobal, Mt. Banahaw de Lucban, Buho Masalakot Domes, at Mt. Mayabobo.

Ang pinakatuktok ng bundok ay tinatayang umaabot sa 2,170 metro ang taas. Ang salitang Banahaw ay maaaring nagmula sa sinaunang Tagalog na banhaw. Gayunpaman, may balbal na interpretasyong mula ito sa banal at daw.

Noong kasagsagan ng kolonyalismo ng mga Español, ay pinananahanan ito ng mga sektang panrelihiyon na hindi kinikilala ng Simbahang Katoliko. May mga sabi-sabi rin na tahanan ito ng diwatang Mariang Banahaw—isa sa tatlong popular na diwata ng mga Tagalog, kasama ang dalawa pang diwata na sina Mariang Makiling at Mariang Sinukuan.

Basahin din: Mount Apo
Kasaysayan ng Pilipinas

ADVERTISEMENT
loading...