Cagsawa
ADVERTISEMENT

Ang Cagsawa o Guhong Cagsawa ay ang guhong natirang tore at ilang bato ng Simbahang Katolika na natabunan ng lava nang pumutok ang Bulkang Mayon noong ika-1 araw ng Pebrero taong 1814.

Napapaligiran ito ngayon ng isang halaman at tindahan ng sobenir at okridya. Ipinahayag ito bilang makasaysayang parke ng National Historical Institute noong 1954.

Isa rin ito sa isang pinakapopular na destinasyon ng mga turista na matatagpuan sa Barangay Busay, Cagsawa, Daraga, Albay.

Basahin: Mount Pinatubo

Ang Simbahang Cagsawa ay nagsimula sa ilalim ng parokya ng Camalig magmula noong 1587 hanggang 1595. Ang unang simbahan ay nasunog noong ika-25 ng Hulyo taong 1936 dahil sa pagsalakay ng mga piratang Olandes.

Ang guhong ito ay nagmula sa simbahang ipinatayo ng mga Pransiskano sa pangunguna ni Fray Francisco Blanco noong 1724 at ginamitan ng korales.

Sumisimbolo ito ngayon sa panganib at pamumuhay ng mga naninirahan malapit sa Bulkang Mayon, na mga 11 kilometro lamang ang layo. Noong sumabog ang Mayon noong 1814, tinatayang 1,200 mamamayan ang namatay at lumubog sa abo at putik ang bayang kinatitirikan ng guhong ito.

Daan-daang tao ang nagtago sa simbahan, na kasamang nasawi sa dumanak na lahar at payroklastik. May natira pa sa patsada ng simbahan ngunit di nagtagal, pinabagsak din ito ng mga lindol noong taong 1950.

Dahil sa trahedya noong pumutok ang bulkan, ipinasiyang isama ang Cagsawa sa munisipalidad ng Daraga. Sa harap ng guho ay itinayo ang Cagsawa National Museum noong 1992 at itinuturing ikatlong pinakamalaki sa mga sangay ng Pambansang Museo.

Naglalaman ito ng mga retrato ng pagsabog ng Mayon at mga makabuluhang artifact na heolohiko o arkeolohiko mula sa rehiyon.

Basahin din: Mga Anyong Lupa
Kasaysayan ng Pilipinas