Home Ang Pilipinas

Ang Pilipinas

Ang Republika ng Pilipinas ay isang malayang estado sa Silangang Asya na may 7,107 na isla at teritoryo na tinatatayang higit sa 300,000 kilometrong kuwadrado (sq. km) ang laki. Nahahati ito sa tatlong grupo ng mga isla: Luzon, Visayas, at Mindanao. Ang buong kapuluan ay ipinangalan kay Prinsipe Philip (nang maglaon ay naging Haring Philip II) ng España ayon sa pinasimulan ni Ruy Lopez de Villalobos, isang Kastilang manlalayag, noong siya ay nasa ekspedisyon dito noong 1542-1546.

Ang Pilipinas ay isang republikang presidensiyal at konstitusyonal na gayong nahahati sa mga yunit ay napapasailalim sa iisang pamahalaan. Mayroon itong Pangulo ng Pilipinas na nagsisilbing parehong puno ng estado at ng gobyerno. Inihayag ang kasarinlan ng Pilipinas mula sa Imperyo ng Kastila noong Hunyo 12, 1898, kasunod lamang ng kaganapan ng Rebolusyon ng Pilipinas. Isa rin ito sa mga orihinal na kasapi ng United Nations (UN) at ng Association of Southeast Asian Nations (ASEAN). Mayroon itong mga embahado at konsulado sa 62 bansa sa buong mundo.

Kabilang ang mga sumusunod sa mga pangunahing iniluluwas na produkto ng bansa: electronicssemiconductortransport equipment, kagamitang pangkonstruksiyon, at mga mineral. Bilang bansang may bukas na ekonomiya, nakikipagkalakal ang Pilipinas sa ibang mga ekonomiya sa buong mundo. Napabibilang ang bansang Hapon, Estados Unidos, Tsina, Timog Korea, at Aleman sa mga merkadong pinakamadalas na pinagdadalhan ng mga produkto ng bansa.

Napakalaki ng iniambag sa positibong pagkakakilanlan sa bansa at turismo ng “It’s More Fun In The Philippines.” Dahil dito, naitalang umabot sa 4.7 milyon ang mga dumagsang dayuhang turista noong 2013. Ang mga sumusunod ay ilan sa mga lugar na pinakadinarayo ng mga turista: isla ng Boracay sa Aklan, Underground River ng Puerto Princesa sa Palawan, Chocolate Hills sa Bohol, Bulkang Mayon sa Albay, at Banaue Rice Terraces sa Ifugao. Nakaaakit din ng mga dayo ang mga lungsod ng Manila, Baguio, Vigan, Cebu, at Davao.

Halimbawa ng Mga Talumpati Tungkol sa Edukasyon

Mga Halimbawa ng Talumpati Tungkol sa Edukasyon Edukasyon: Susi sa TagumpayEdukasyonEdukasyon: Pasaporte tungo sa tagumpayTalumpati na pang...

Salawikain / Kasabihan

Kawikaan, Kasabihan, Wikain, Sawikain at mga halimbawa. Ano ang Salawikain / Kasabihan? Ito ang salitang...

Halimbawa ng Mga Talumpati Tungkol sa Kabataan

Mga Halimbawa ng Talumpati Tungkol sa Kabataan Ang Kabataang Pilipino sa Makabagong PanahonAng Kabataan Noon at NgayonMaikling Talumpati...

Mga Anyong Tubig (Bodies of Water)

Ang Mga Anyong Tubig ay kahit anumang makahulugang pag-ipon ng tubig, kadalasang tinatakpan ang ibabaw ng isang planeta katulad ng Daigdig. Hindi kinakailangan na hindi gumagalaw o...

Alamat ni Juan Tamad – Maikling Kwento

Dagdag kaalaman tungkol sa Alamat ni Juan Tamad Si Juan Tamad ay isang tauhan sa mga kuwentong bayan. Kadalasang inilalarawan bilang...

Ang Pambansang Bayani | Jose Rizal

Si Dr. Jose Protacio Rizal Mercado y Alonzo Realonda o mas kilala bilang Pepe ay ang Pilipinong Pambansang Bayani ng...

Alamat ni Maria Makiling – Maikling Kwento

Karagdagang kaalaman sa Alamat ni Maria Makiling Sa alamat ng Pilipinas, si Maria Makiling ay isang diwata na nagbabantay ng Bundok...

Alamat ng Bulkang Pinatubo – Maikling Kwento

Ang Alamat ng Bulkang Pinatubo at tauhan nito Datu ng MasinlokMatandang SalamangkeroPrinsesa AlindayaPrinsepe Malakas

Bantas | Wastong Paggamit

Ang mga bantas ay mga simbolo na humahalili sa tama at wastong pagintindi ng mga teksto. Ito ay ginagamit sa paglilinaw...

Panahon ng mga Amerikano | Pilipinas

Ang Pilipinas ay sinakop noong panahon ng mga Amerikano, isang pagbabalat-kayo na sa umpisa ay nagkukunwaring mga tagapagligtas ng kalayaan ng...

Buod ng Banaag at Sikat

Hinggil sa mga buhay ng magkaibigang Delfin at Felipe ang nobelang Banaag at Sikat na isinulat ni Lope K. Santos. Basahin...

Sawikain o Idyoma

Ang sawikain ay tumutukoy sa mga matatalinghagang salita na karaniwang ginagamit sa pang-araw-araw na pamumuhay. Ito ay karaniwan ding tinatawag na...

Alamat ng Palendag – Maikling Kwento

Dagdag Kaalaman sa Alamat ng Palendag Ang Palendag ay isang instrumentong pang-musika ng mga taga Mangindanaw. Ito'y...

Labanan sa Pasong Tirad | Pilipinas

Ang Labanan sa Pasong Tirad ay isa sa mga labanan ng Pilipino at Amerikano kung saan ang namuno sa mga Pilipino...

Tula o Panulaan | Panitikan ng Pilipinas

Ano ang Tula? Ang tula o panulaan ay isang uri ng sining at kabilang sa panitikang Pilipino...

Mga Uri ng Tayutay at mga Halimbawa | Panitikan ng Pilipinas

Ating tatalakayin ang bawat depenisyon ng mga uri ng tayutay, bago ang lahat marapat lamang na basahin muna ang kahulugan ng tayutay.

Popular articles