Ang Pilipinas

Ang Republika ng Pilipinas ay isang malayang estado sa Silangang Asya na may 7,107 na isla at teritoryo na tinatatayang higit sa 300,000 kilometrong kuwadrado (sq. km) ang laki. Nahahati ito sa tatlong grupo ng mga isla: Luzon, Visayas, at Mindanao. Ang buong kapuluan ay ipinangalan kay Prinsipe Philip (nang maglaon ay naging Haring Philip II) ng España ayon sa pinasimulan ni Ruy Lopez de Villalobos, isang Kastilang manlalayag, noong siya ay nasa ekspedisyon dito noong 1542-1546.

Ang Pilipinas ay isang republikang presidensiyal at konstitusyonal na gayong nahahati sa mga yunit ay napapasailalim sa iisang pamahalaan. Mayroon itong Pangulo ng Pilipinas na nagsisilbing parehong puno ng estado at ng gobyerno. Inihayag ang kasarinlan ng Pilipinas mula sa Imperyo ng Kastila noong Hunyo 12, 1898, kasunod lamang ng kaganapan ng Rebolusyon ng Pilipinas. Isa rin ito sa mga orihinal na kasapi ng United Nations (UN) at ng Association of Southeast Asian Nations (ASEAN). Mayroon itong mga embahado at konsulado sa 62 bansa sa buong mundo.

Kabilang ang mga sumusunod sa mga pangunahing iniluluwas na produkto ng bansa: electronicssemiconductortransport equipment, kagamitang pangkonstruksiyon, at mga mineral. Bilang bansang may bukas na ekonomiya, nakikipagkalakal ang Pilipinas sa ibang mga ekonomiya sa buong mundo. Napabibilang ang bansang Hapon, Estados Unidos, Tsina, Timog Korea, at Aleman sa mga merkadong pinakamadalas na pinagdadalhan ng mga produkto ng bansa.

Napakalaki ng iniambag sa positibong pagkakakilanlan sa bansa at turismo ng “It’s More Fun In The Philippines.” Dahil dito, naitalang umabot sa 4.7 milyon ang mga dumagsang dayuhang turista noong 2013. Ang mga sumusunod ay ilan sa mga lugar na pinakadinarayo ng mga turista: isla ng Boracay sa Aklan, Underground River ng Puerto Princesa sa Palawan, Chocolate Hills sa Bohol, Bulkang Mayon sa Albay, at Banaue Rice Terraces sa Ifugao. Nakaaakit din ng mga dayo ang mga lungsod ng Manila, Baguio, Vigan, Cebu, at Davao.

Alamat ng Rosas – Maikling Kwento

Ang Alamat ng Rosas at mga Tauhan nito Rosa : Pinakamagandang dalaga sa bayan ng TarlacMario : Nakatakdang...

Adobo | Kasaysayan

Ang adobo ay isa sa mga pinakapopular at pinakakilalang tradisyunal na lutuing Pilipino sa loob at labas ng Pilipinas. Maraming nahuhumaling...

Ang Alamat ng Ampalaya – Maikling Kwento

Ang Alamat ng Ampalaya at Mga Tauhan nito LuyaKalabasaBawangSibuyasPatolaUpoKamatisLabanosTalongMustasaSingkamasAmpalayaMga diwata ng Tubig, Araw, Lupa, Hangin

Alamat ng Sampaguita – Maikling Kwento

Ang alamat ng Sampaguita at Pangunahing Tauhan nito Liwayliway : Magandang dalagaTanggol : Mangangaso Sa...

Pintados Festival | Kasaysayan

Ang Pintados Festival o Pista ng Pintados-Kasadyaan ay isang masayang pagdiriwang na tumatagal ng isang buwan na ginaganap sa lungsod ng...

Alamat ng Pakwan – Maikling Kwento

Ang Alamat ng Pakwan at Pangunahing Tauhan Nito JUAN : Batang Ulila Kaawa-awa...

Moriones Festival | Kasaysayan

Ang Moriones Festival ay isang taunang pista na ginaganap tuwing Mahal na Araw sa pulo ng Marinduque. Dito isinasadula ang paghihirap...

MassKara Festival | Kasaysayan

Ang Masskara Festival ay ang pinakamalaking taunang kasiyahan sa Lungsod ng Bacolod, kung saan ito ay sumasalamin sa mga Ilonggo bilang...

Alamat ng Makahiya – Maikling Kwento

Ang Alamat ng Makahiya at Pangunahin tauhan nito. Mang Dodong : Tatay ni DodongAling Iska : Nanay ni...

Kadayawan Festival | Kasaysayan

Ang Kadayawan Festival ay ipinagdiriwang sa Lungsod ng Davao, ito ay isang linggong selebrasyon ng pasasalamat para sa masaganang ani.

Alamat ng Lansones – Maikling Kwento

Ang Alamat ng Lansones at Pangunahing Tauhan Manuel : Asawa ni EdnaEdna : Buntis na Asawa ni Manuel

Alamat ng Durian – Maikling kwento

Ang Alamat ng Durian at Pangunahing Tauhan Aling During - kilala rin siyang masungit na matandang during

Dinagyang Festival | Kasaysayan

Ang Dinagyang Festival ay isang pistang panrelihiyon at kultural sa lungsod ng Iloilo sa Pilipinas na ginaganap tuwing ika-4 na linggo...

Alamat ng Mangga – Maikling Kwento

Ang Alamat ng Mangga at Pangunahing Tauhan nito Aling Manggita: Nanay ni Juan, Pedro at TomMang Pangga...

Alamat ng Pinya – Maikling Kwento

Ang Alamat ng Pinya at Pangunahing Tauhan nito Aling Rosa : Nanay ni PinaPinang : Anak ni Aling...

Ati Atihan Festival | Kasaysayan

Ang Ati Atihan Festival ay isang pista tuwing ikalawang linggo ng Enero sa bayan ng Kalibo, Aklan at sinundan din ng...

Popular articles