Ang Pilipinas

Ang Republika ng Pilipinas ay isang malayang estado sa Silangang Asya na may 7,107 na isla at teritoryo na tinatatayang higit sa 300,000 kilometrong kuwadrado (sq. km) ang laki. Nahahati ito sa tatlong grupo ng mga isla: Luzon, Visayas, at Mindanao. Ang buong kapuluan ay ipinangalan kay Prinsipe Philip (nang maglaon ay naging Haring Philip II) ng España ayon sa pinasimulan ni Ruy Lopez de Villalobos, isang Kastilang manlalayag, noong siya ay nasa ekspedisyon dito noong 1542-1546.

Ang Pilipinas ay isang republikang presidensiyal at konstitusyonal na gayong nahahati sa mga yunit ay napapasailalim sa iisang pamahalaan. Mayroon itong Pangulo ng Pilipinas na nagsisilbing parehong puno ng estado at ng gobyerno. Inihayag ang kasarinlan ng Pilipinas mula sa Imperyo ng Kastila noong Hunyo 12, 1898, kasunod lamang ng kaganapan ng Rebolusyon ng Pilipinas. Isa rin ito sa mga orihinal na kasapi ng United Nations (UN) at ng Association of Southeast Asian Nations (ASEAN). Mayroon itong mga embahado at konsulado sa 62 bansa sa buong mundo.

Kabilang ang mga sumusunod sa mga pangunahing iniluluwas na produkto ng bansa: electronicssemiconductortransport equipment, kagamitang pangkonstruksiyon, at mga mineral. Bilang bansang may bukas na ekonomiya, nakikipagkalakal ang Pilipinas sa ibang mga ekonomiya sa buong mundo. Napabibilang ang bansang Hapon, Estados Unidos, Tsina, Timog Korea, at Aleman sa mga merkadong pinakamadalas na pinagdadalhan ng mga produkto ng bansa.

Napakalaki ng iniambag sa positibong pagkakakilanlan sa bansa at turismo ng “It’s More Fun In The Philippines.” Dahil dito, naitalang umabot sa 4.7 milyon ang mga dumagsang dayuhang turista noong 2013. Ang mga sumusunod ay ilan sa mga lugar na pinakadinarayo ng mga turista: isla ng Boracay sa Aklan, Underground River ng Puerto Princesa sa Palawan, Chocolate Hills sa Bohol, Bulkang Mayon sa Albay, at Banaue Rice Terraces sa Ifugao. Nakaaakit din ng mga dayo ang mga lungsod ng Manila, Baguio, Vigan, Cebu, at Davao.

Pananakop ng mga Hapones (Japanese occupation of the Philippines)

Ang Pananakop ng mga Hapones ay ang panahon sa Kasaysayan ng Pilipinas mula noong 1942 hanggang 1945, kasagsagan ng Ikalawang Digmaang...

Batas Militar 1972 | Pilipinas

Sa ilalim ng pamamahala ni dating Pangulo Ferdinand Marcos, idineklara niya ang Batas Militar noong 1972 sa bisa ng Proklamasyon Blg....

Pananaliksik

Ano ang Pananaliksik? Ayon kay Good - Ang pananaliksik ay isang maingat, mapanuri, disiplinadong pamamaraan ayon sa kalakasan at...

Ang Kolonya ng Espanya (Spanish colonization in the Philippines)

Ang Kolonya ng Espanya ay ang permanenteng paninirahan na naitatag lamang noong 1565 nang makarating ang ekspedisyon na pinamumunuan ni Miguel...

Ang Pambansang Hayop | Kalabaw

Ang Kalabaw ang tinaguriang Pambansang Hayop ng Pilipinas (National Animal of the Philippines), isang domestikadong uri ng kalabaw na pantubig o...

Ang Digmaang Pilipino-Amerikano

Ang Digmaang Pilipino-Amerikano ay ang armadong hidwaan sa pagitan ng Unang Republikang Pilipino at ng Estados Unidos na tumagal mula 4...

Mga Taong Tabon | Pilipinas

Ang labi ng mga Taong Tabon ay nahukay sa Kuwebang Tabon sa Lipuun Point sa Quezon, Palawan, Pilipinas noong ika-28 ng...

Alamat ng Rambutan – Maikling Kwento

Alamat ng Rambutan at tauhan nito Mang KandoyAling PisingRabonaMatesaRodonaTandang Isko BASAHIN : Ika-6...

Bugtong Tagalog | Mga Halimbawa

Madaming bugtong tagalog o palaisipang tanong ang umusbong sa Pilipinas. Ang mga bugtong ay nagpapatalas sa kaisipan ng mga taong naglalaro...

Ang Maikling Kwento

Ang Maikling Kuwento – binaybay ding Maikling Kwento – ay isang maiksing salaysay hinggil sa isang mahalagang pangyayaring kinasasangkutan ng isa o...

Mga Uri ng Tayutay at mga Halimbawa | Panitikan ng Pilipinas

Ating tatalakayin ang bawat depenisyon ng mga uri ng tayutay, bago ang lahat marapat lamang na basahin muna ang kahulugan ng tayutay.

Ibong Adarna | Kasaysayan at mga Tauhan

Ang Ibong Adarna ay isang koridong tagalog na isinulat ni Jose Dela Cruz o mas kilala bilang Huseng Sisiw. Halaw ito...

Mangga | Ang Pambansang Prutas

Ang mangga o mango sa ingles ay kabilang sa genus Mangifera at tinaguriang Pambansang Prutas. Likas na matatagpuan ang mangga sa...

Ang Araw at ang Hangin – Maikling Kwento

Maikling Kwento Ang Araw at ang Hangin Ang Araw at ang Hangin Sino...

Rebolusyong EDSA ng 1986 (EDSA Revolution)

Ang Rebolusyong EDSA ng 1986 ay isang mapayapang demonstrasyon na nagtagal ng apat na araw sa Pilipinas, mula 22 Pebrero hanggang...

Ang Pambansang Ibon | Philippine Eagle

The Philippine eagle is one of the rarest eagles in the world. The Philippine Eagle is a...

Popular articles