Dambana ng Kagitingan

Ang Dambana ng Kagitingan ay isang pambansang dambana na matatagpuan malapit sa tuktok ng Bundok Samat, ito ay makasaysayang bundok sa lalawigan ng Bataan.

Itinayo ang dambanang ito bilang pagkilala sa kabayanihan ng mga Pilipinong lumaban at nag-alay ng buhay para sa kanilang bansa noong ikalawang Digmaang Pandaigdig.

Naging tagpo ang Bundok ng Samat sa pinakamadugong yugto ng pananakop ng mga Hapones sa Pilipinas at mahigit sandaang libong sundalong Pilipino at Amerikano ang namatay.

Basahin: Maguindanao Massacre

Sinimulan ang pagtayo ng dambana ng kagitingan noong 1966 at natapos noong 1970. May lawak itong 73,665 ektarya at nagtatampok ng Colonnade at Memorial Cross.

Sa gitna ng dambanang ito ay mayroong altar, at sa likod ng altar ay may tatlong stained glass mural na idinisenyo ni Cenon Rivera at ginawa ng Italyanong si Vetrate D’Arte Giuliani.

Ang Memorial Cross naman ay itinirik sa pinakamataas na pook sa bundok, sa taas na 555 metro mula sa nibel ng dagat.

Matatagpuan sa balat nito ang eskultura ni Abueva na pinamagatang Nabiag na Bato at naglalarawan naman sa mahahalagang pangyayari sa kasaysayan tulad ng pagbitay kay Jose Rizal at laban ni Lapu-Lapu.

Matatanaw mula sa dambana ang kalakhan ng lalawigan ng Bataan, ang isla ng Corregidor, at ang Kamaynilaan sa maaliwalas na panahon. Dito rin idinaraos ang taunang selebrasyon sa Araw ng Kagitingan tuwing ika-9 ng Abril.

Basahin din: Hukbalahap
Kasaysayan ng Pilipinas