Deogracias Rosario
ADVERTISEMENT

Si Deogracias Rosario ay isang Pilipinong mangangatha, mamamahayag, at makata. Kinilala rin siya bilang Ama ng Makabagong Maikling Kwentong Tagalog.

Isinilang siya noong ika-17 ng Oktubre taong 1894 sa Tondo, Maynila. Nakapag-aral siya sa Manila High School na tinatawag ngayong Araullo High School. Sa Murang edad na 13 ay nagsimula siyang magsulat.

Unang naging aktibo si Deogracias Rosario sa larangan ng pamamahayag, naging bahagi siya ng pahayagang Ang Demokrasya noong 1912 at ng satirikong magasin na pinamagatang Buntot Pagi noong 1914.

Basahin: La Independencia

Noong 1917, naging reporter si Deogracias Rosario ng Taliba at pagkaraan ay naging katuwang na editor nito. Sumulat din siya sa Pagkakaisa ng Bayan at ng Photo-News na tinatawag naman ngayong Liwayway.

Pinamunuan din ni Deogracias Rosario ang iba’t-ibang samahang pang-panitikan at pang-wika. Isa rin siya sa itinuturing na cuarteto ng Ilaw at Panitik—at naging pangulo pa nito, gayundin ng Kalipunan ng mga Kwentista, at Kalipunan ng mga Dalubhasa ng Akademya ng Wikang Tagalog.

Gayunpaman, mas nakilala si Rosario sa mga naging ambag niya sa larangan ng maikling kwento. Itinuturing na unang maikling kwento sa Tagalog ang kaniyang akda na pinamagatang Kung Ipaghiganti ang Puso na inilathala niya sa Liwayway noong ika-21 ng Marso taong 1924.

Tingnan din: Filibustero

Ilan sa mga kinikilalang mahusay niyang kwento ang Aloha na isinulat niya noong 1932, Ako’y Mayroong Isang Ibon, at Greta Garbo.

Mahigi sa 80 na maikling kwento, dalawang maikling nobela, dalawang de-seryeng nobela, at maraming personal na sanaysay, artikulo, at tula ang naisulat ni Rosario na nailathala sa naman sa Photo-News.

Basahin din: The Manila Times
Kasaysayan ng Pilipinas

ADVERTISEMENT
loading...