Douglas MacArthur | Amerikanong Heneral

0
104
Douglas MacArthur | Amerikanong Heneral

Si Douglas MacArthur ay isinilang noong 26 Enero 1880 sa Arkansas, at isang bantog na Amerikanong Heneral na naglingkod noong unang digmaang pandaigdig.

Douglas MacArthur | Amerikanong Heneral

Ang larawan ay nagmula sa: Wikipedia

Umako siya ng isang malaking gampanin sa Pasipiko noong panahon ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig. Siya ang inatasang mamuno sa pagsalakay sa Hapon noong Nobyembre 1945 ngunit tinanggap niya ang pagsuko ng mga Hapon noong Setyembre 2, 1945.

Si Douglas MacArthur ay ang naging superbisor ng Hapon mula noong 1945 hanggang 1951 at ang gumawa ng mga demokratikong reporma sa bansang iyon.

Basahin: Antonio Pigafetta

Siya ang namuno sa mga hukbo ng nagkakaisang Bansa na nagtanggol sa Timog Korea noong 1950-1951 mula sa pagsalakay ng Hilagang Korea, noong panahon ng Digmaang Koreano.

Pinasok ng militar ng Hapon ang Maynila noong Enero 2 1942. Sumuko ang Bataan sa puwersa ng mga Hapones noong Abril 9, 1942. Ang mga bilanggo ng digmaan ay pinaglakad ng mga Hapones (ang tinatawag na Martsa ng Kamatayan) papunta sa isang kampo ng konsentrasyon sa Capas sa lalawigan ng Tarlac.

Sumama sina Manuel L. Quezon at Sergio OsmeƱa sa mga sundalong patungong Corregidor at hindi nagtagal ay umalis sila patungong Estados Unidos, at doon pinamahalaan ang Komonwelt. Inutusan si MacArthur na pumunta sa , kung saan sinimulan niya ang planong pagbabalik sa Pilipinas.

Nagretiro mula sa tungkulin si MacArthur sa utos ni Pangulong Harry S. Truman ng Estados Unidos noong Abril 1951. Namatay siya sa Washington, D.C. noong 1964.

Basahin din: Limasawa
Kasaysayan ng Pilipinas