Si Eduardo Quisumbing ay isang Pilipino na pinakamahusay na botaniko at taksonomista ng Pilipinas. Kinilala rin siya bilang Ama ng Pag-aaral ng mga Orkidya.

Isinilang siya noong ika-24 ng Nobyembre taong 1895 sa bayan ng Sta. Cruz, Laguna. Nakapag-aral siya sa Unibersidad ng Pilipinas at nakapagtapos sa kursong Batsilyer sa Agrikultura noong 1918.

Ipinagpatuloy niya ang kaniyang pag-aaral sa University of Chicago mula 1921 hanggang 1923. Dito niya natapos ang master sa Siyensiya at doktorado sa Botanika.

Basahin: Teodoro Agoncillo

Si Eduardo Quisumbing ang nagsulat ng librong Medicinal Plants of the Philippines na naging batayan ng sanggunian sa pag-aaral at pananaliksik ng mga halamang gamot sa bansa.

Bilang isang botaniko—unang pinag-aralan ni Eduardo Quisumbing ang pag-uuri ng iba’t-ibang pamilya ng saging. Pinag-aralan niya kung paano ito lumalaganap at namumunga.

Matapos ay gumawa siya ng pagsubok sa proseso ng pagpapalahi ng saging—ang naging resulta ay kasalukuyang ginagamit pa rin ng industriya ng saging sa bansa ang kaniyang pag-aaral at pananaliksik ukol dito.

Silipin din: Quiapo

Si Eduardo Quisumbing din ang unang Pilipinong nagsaliksik sa mga uri ng paminta at nakalalasong halaman sa Pilipinas. ito ang naging daan upang maisulat niya ang Medicinal Plants of the Philippines.

Ginugol niya ang malaking bahagi ng kaniyangg buhay sa paghahanap at pagkilala sa mga orkidya na maaaring makatulong sa mga may sakit. Pagkaraan ng pananaliksik ay matagumpay niyang naitala ang 900 na uri ng orkidya at tinuklas ang 58 na uri ng katutubong orkidya na makikita lamang sa Pilipinas.

Dahil sa pagsisikap niyang mapaunlad ang siyensiya ng botanika sa Pilipinas, nakatanggap siya ng parangal at iginawad sa kaniya ang Pambansang Alagad ng Agham noong 1980.

Basahin din: Melchora Aquino
Kasaysayan ng Pilipinas

ADVERTISEMENT
loading...