Fernando Amorsolo
ADVERTISEMENT

Si Fernando Amorsolo ay isang Pilipinong pintor at ang pinakamaningning na kinatawan ng panahong klasiko sa sining biswal sa Pilipinas.

Isinilang siya noong ika-30 ng Mayo taong 1892 sa Calle Herran, Paco, Maynila. Nakapag-aral siya sa Unibersidad ng Pilipinas, School of Fine Arts na pinagturuan din ng kaniyang tiyuhing pintor na si Fabian de la Rosa.

Kinikilala rin si Fernando Amorsolo bilang Ang Maestro at Grand Old Man ng Sining sa Pilipinas noong kapanahunan niya.

Basahin: Juan Luna

Bilang pintor, ang malikhaing paggamit ni Fernando Amorsolo ng liwanag, sa partikular na back-lighting—ang pinaka-malaking kontribusyon niya sa pagpipinta sa Pilipinas.

Ang matingkad at maningning na liwanag na nagmumula sa likuran ng kaniyang mga paksa ay nagtatampok sa isang bahagi ng kaniyang kambas sa mga dahon ng mga puno, tikwas ng buhok, ngiti sa mga labi, at umbok ng dibdib ng dalagang Pilipina.

Gayunpaman, masaklaw ang larangan ng mga likha ni Fernando Amorsolo mula sa mga portrait ng mga kilala at mayayamang tao, larawan ng mga tanawin, hanggang sa dibuo sa mga pabalat ng libro at magasin.

Tingnan din: Carlos Francisco

Ngunit mas kinilala at mas tumatak sa mga tao ang likha niyang pagtatanghal ng mga payak, payapa, at pang-araw-araw na buhay ng mga naninirahan sa kanayunan.

Ilan sa mga obra ni Ferndando Amorsolo ay ang pinamagatang Maiden in a Stream, Dalagang Bukid, Rice Planting na ginawa niya noong 1992—at naging pinaka-popular na hulagway sa panahon ng Komonwelt, at marami pang iba.

Ang mataas na antas ng kasinigan ay napanatili ni Amorsolo sa kabila ng dalas at dami nito, kaugnay nito ang paggawad sa kaniya karangalan bilang pinaka-unang ginawaran ng Pambansang Alagad ng Sining sa Pintura noong 1972.

Basahin din: Banaue Rice Terraces
Kasaysayan ng Pilipinas

ADVERTISEMENT
loading...