Francisco Feliciano

Si Francisco Feliciano ay isang Pilipinong kompositor at isa sa mga mahusay na kompositor sa Pilipinas at kilala rin sa Asya dahil sa musikang panliturhiya.

Ipinanganak si Francisco Feliciano noong ika-19 ng Pebrero taong 1941 sa bayan ng Morong, Rizal, at pang-apat siyang anak sa siyam na magkakapatid.

Ang hilig niya sa musika ay impluwensiya ng kaniyang amang si Maximo Feliciano na may-ari ng isang banda sa kanilang banda sa Morong, Rizal—ang Morriz Band.

Napag-tagumpayan ni Feliciano ang digring Batsilyer sa Musika sa Unibersidad ng Pilipinas noong 1967; diplomain Music Composistion naman sa Hochschule der Kuenste sa Berlin, Germany; at Master of Musical Arts and Doctorate in Musical Art, Composition sa Yale University.

Basahin: Julian Felipe

Isa sa pinakanatatanging obra ni Francisco Feliciano ang La Loba—isang dulang ganap na Habana na isang adaptasyon ng nobela ni Padre Jose Burgos, na ginawa niya nang tatlong taon.

Nailathala niya rin ang aklat na Four Asian Contemporary Composers: The Influence of Tradition in Their Works noong 1983.

Bilang isa sa mga nangungunang kompositor ng musikang panliturhiya sa Asya, nakagawa siya ng higit sandaang komposisyon at karamihan dito ay inaawit sa misa, mga himno, at awit ng papuri.

Silipin din: Bodabil

At bilang isang propesor naman, nagturo siya sa UP Kolehiyo ng Musika at malaki ang kaniyang naging impluwensiya sa mga sikat ding kompositor gaya ni Maestro Ryan Cayabyab.

Iginawad kay Francisco Feliciano ang Pambansang Alagad ng Sining sa Musika noong 2014. Namatay siya noong ika-19 ng Setyembre taong 2014 sa edad na 73, matapos ang mahabang panahon ng pakikipaglaban niya sa sakit na kanser.

Basahin din: Mga Instrumentong Musikal sa Pilipinas
Kasaysayan ng Pilipinas