Gavino Trono
ADVERTISEMENT

Si Gavino Trono ay isang Pilipinong biyolohista at kinilalang Pambansang Siyentista ng Pilipinas sa larang ng Agham Marino na nakatuon sa damong-pandagat.

Nagtapos siya ng BS Botanika sa Unibersidad ng Pilipinas, at kumuha ng masterado sa botanikang pang-agrikultura sa Araneta University, at doktorado sa botanika ng University of Hawaii.

Nakatuon ang mga pag-aaral ni Gavino Trono sa Eucheuma denticulatum, Kappaphycus alvarezii, Gracilaria spp., Caulerpa lentillifera, at Halymenia durvillei para sa mga pamayananng nasa baybay-dagat.

Basahin: Teodoro Agoncillo

Pinangunahan din ni Gavino Trono ang pagtataya sa mga baybay-dagat ng Kanluranin sa Mindanao para sa pagpaparami ng damong-dagat, at doon niya natuklasan ang 25 na bagong benthic algae ng marina.

Samakatuwid, nakapaglathala siya ng 142 papel na binubuo ng 20 ISI at 120 papel na teknikal. Siya rin ang may-akda ng dalawang pinakamahalagang aklat sa bansa na nakatuon sa florang damong-dagat na pinamagatang Field Guid and Atlas of the Seaweed Resources of the Philippines.

Silipin din: Eduardo Quisumbing

Kaugnay nito, siya rin ang nagtatag ng pinakamalaking psychological herbarium sa bansa—na tinatawag na G.T Velasquez Herbarium.

Noong 2006, nauna nang nakilala si Trono ng Asia Pacific Society of Applied Psychology, at iniluklok bilang akademiko ng National Academy of Science and Technology noong 2008.

Kasalukuyang kasangguning panteknikal si Trono para sa Food and Agricultural Organization Aquaculture Seaweed Research and Development, at propesor emeritus sa Marine Science Institute ng Unibersidad ng Pilipinas.

Basahin din: Fe del Mundo
Kasaysayan ng Pilipinas

ADVERTISEMENT
loading...