Hukbalahap
ADVERTISEMENT

Ang Hukbong Bayan Laban sa Hapon o Hukbalahap ay isang kilusang gerilyang binuo ng Partido Komunista ng Pilipinas noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig.

Nagsimula ang armadong kilusan laban sa mga Hapon, ito ang nagpasiklab ng malaking rebelyon laban sa Pamahalaan ng Pilipinas sa panahon ng pamumuno ni dating Pangulo Elpidio Quirino.

Si Luis Taruc ng Gitnang Luzon ang nagtatag ng kilusang ito upang makamit ang kalayaan ng Pilipinas laban sa pagmamalupit ng mga Hapones.

Sinasabing may malalim na ugat ito sa sistemang encomienda ng mga Espanyol, isang sistemang sanhi ng pagkakaroon ng malalawak na lupaing hawak ng iilan at ng malubhang pag-abuso sa mga magsasaka.

Basahin: Kilusang Propaganda

Nang manalo sa pagkapangulo si Manuel Roxas, ikinampanya niya ang pagsupil sa Hukbalahap. Nang matanggal naman sa Kongreso si Luis Taruc, namundok nalang muli ang mga gerilya at idineklara ang kanilang rebelyon laban sa pamahalaan.

Noong mga taong 1950, itinalagang kalihim ng Tanggulang Bansa si dating Pangulong Ramon Magsaysay at naging epektibong pinuno sa kampanya ng gobyerno laban sa mga Hukbalahap.

Unti-unting lumiit ang taga-tangkilik ng rebeldeng grupo at marami ang naniwala sa handog na reporma ni Magsaysay.

Noong 1954, ay ipinadala ni Magsaysay si Benigno “Ninoy” Aquino upang makipag-negosasyon kay Luis Taruc. Nagresulta naman ito sa pagsuko ni Taruc noong ika-17 ng Mayo taong 1954 at opisyal na nagwakas ang rebelyong Huk.

Basahin din: Ilustrado
Kasaysayan ng Pilipinas

ADVERTISEMENT
loading...