Ika-7 Pangulo ng Pilipinas | Ramon Magsaysay
ADVERTISEMENT

Si Ramon Magsaysay ang naupong ika-7 Pangulo ng Republika ng Pilipinas magmula noong 1953 hanggang 1957. Ating talakayin ang kanyang buhay bilang isang Presidente.

  • Ika-7 Pangulo ng Pilipinas

Ramon Magsaysay

Ramon Magsaysay
Photo from: Wikipedia

Si Ramon “Monching” del Fierro Magsaysay ay isinilang sa lungsod ng Iba, Zambales noong 31 Agosto 1907. Nakapag-aral sa Zambales Academy ng sekundarya at Unibersidad ng Pilipinas ng kolehiya sa kursong pre-inhenyeriya. Di naglaon, lumipat siya sa Institute of Commerce sa Jose Rizal College noong 1928 at nakapagtapos ng kursong Komersiyo noong 1932.

Sa pagsiklab ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig, sumali si Magsaysay sa motor pool ng ika-31 Dibisyong impanteryang Hukbo ng Pilipinas bilang kapitan. Pagkatapos ng pagbagsak ng Bataan noong 1942, inorganisa niya ang Puwersang Gerilya ng kanluraning Luzon na lumaban sa mga Hapones.

Basahin: Rodrigo Duterte

Nanatili siya sa ranggong kapitan nang mapalaya ang Pilipinas ng mga Amerikano noong 1945 bagaman pinangasiwaan niya ang higit 12,000 katao. Tumanggi siyang itaas ang kanyang ranggo ngunit ginawa siyang isang major ng mga Amerikano. Sa wakas ng digmaan, hinirang siyang Militaryong Gobernador ng Zambales noong 4 Pebrero 1945. Makalipas ang dalawang buwan, ang administrasyong panglalawigan ay inilipat sa sibilyang Gobernador.

Noong 23 Abril 1946, si Magsaysay ay nahalal sa Kapulungan ng mga Kinatawan ng Pilipinas bilang Independiyente. Noong 1948, pinili siya ni Pangulong Manuel Roxas upang pumunta sa Washington, Estados Unidos bilang Chairman of the Committee on Guerilla Affairs upang makatulong sa pagpasa ng Rogers Bill na nagbibigay ng mga benepisyo sa mga beteranong Pilipino sa digmaan. Muli siyang nahalal na kinatawan noong 1948 at naging Chairman ng House National Defense Committee.

Noong 31 Agosto 1950, si Magsaysay ay hinirang ni Pangulong Elpidio Quirino na maging Kalihim ng Pambansang pagtatanggol matapos alukin ni Magsaysay si Quirino na labanan ang mga gerilyang komunista gamit ang kanyang mga karanasan sa labanang gerilya noong Digmaan. Pinaigting ni Magsaysay ang kanyang pakikidigma laban sa mga Hukbalahap na naging isa sa pinakamatagumpay na kampanyang anti-gerilya sa modernong kasaysayan.

Ang tagumpay na ito ay ang sinasabing sanhi sa isang bahagi ng mga hindi kombensiyonal na pamamaraang ginamit ni Magsaysay. Ginamit niya ang mga sundalo ng Hukbo ng Pilipinas upang mamahagi ng mga relief good at iba pang mga tulong sa mga malalayong pook sa probinsiya. Nagtayo ang hukbo ng mga paaralan, mga ospital, mga bahay pansakahan para sa mga mahihirap na mamamayan.

Basahin din: Gobernador Heneral

Nag-alok si Magsaysay ng kapatawaran, paggamot medikal at libreng lupain sa kagubatan ng Mindanao sa sinumang rebelde na susuko. Habang ang opinyong maganda ng publiko sa hukbo ng Pilipinas ay tumataas, ang bilang ng Hukbalahap ay bumabagsak. Bago si mamuno si Magsaysay, ang mga mamamayan sa mga mga malalayong pook na rural ay walang tiwala sa mga sundalo ng Hukbo ng Pilipinas, ngunit sa ilalim ni Magsaysay ay nagsimulang igalang at hangaan ng mga mamamayan ang mga sundalo. Noong mga 1952, ang karamihan ng mga pinunong rebelde ay nabihag o napatay na.

Nanalo si Ramon Magsaysay sa 1953 halalan ng pagkapangulo laban sa nakaupong pangulong si Elpidio Quirino. Siya ay nanumpa na suot ang Barong Tagalog na kauna-unahang pangulo ng Pilipinas na gumawa nito. Binuksan niya ang mga bakod ng Malacañáng sa mga ordinaryong mamamayan.

Agarang nilinis ni Magsaysay ang hukbo ng Pilipinas, winakasan ang korupsiyon at pinatalsik ang mga walang kakayahang heneral. Ang mga espesyal na unit na anti-gerilya ay nilikha laban sa mga naghihimagsik. Ang susi sa tagumpay ni Magsaysay ang kanyang pakikitungo sa mga ordinaryong mamamayan. Mahigpit niyang ipinatupad ang disiplina ng mga hukbo sa kanilang pakikitungo sa mga magsasaka.

Basahin din: Intramuros

Bilang isang Pangulo, nilinang niya ang malapit na pakikipagugnayang ekonomiko at panseguridad ng Pilipinas sa Estados Unidos. Nagtamo ng 7.13% na paglago ng ekonomiya ng Pilipinas.

Dahil sa malubhang pagiging hindi pantay ng pamamahagi ng mga lupain at kayamanan sa mga mahihirap na mamamayan, nagpakilala siya ng mga reporma sa lupain ngunit ang mga ito ay patuloy na hinaharang mga konserbatibong kasapi ng Kongreso ng Pilipinas na may-ari ng mga lupain na kumakatawan sa kanilang pansariling interes.

Gayunpaman, nagawang makakuha ni Magsaysay ng mga tirahang lupain para sa mga walang tahanang magsasaka, nagawang pabagsakin ang presyo ng mga bilihin at nagawang hatiin ang mga malalaking estadong lupain.

Noong 16 Marso 1957, nilisan ni Magsaysay ang Cebu kung saan siya ay nagsalita sa tatlong mga institusyon ng edukasyon. Nang kinagabihan ng mga ala una ng madaling araw, sumakay siya sa eroplano ng pangulo na “Mount Pinatubo” na isang C-47 pabalik sa Maynila. Nang kinaumagahan nang 17 Marso 1957 ang kanyang eroplano ay iniulat na nawawala. Nang katanghalian, iniulat na ang kanyang eroplano ay bumagsak sa Bundok Manunggal sa Cebu at ang 26 sa 27 pasahero at crew ay namatay. Ang tanging nakaligtas ang mamamahayag na si Néstor Mata.

Basahin din: Digmaang Pilipino-Amerikano
Mga Pangulo ng Pilipinas

ADVERTISEMENT
loading...