Ildefonso Santos

Si Ildefonso Santos Jr. ay isang Pilipinong arkitekto na kinilala sa pagiging Ama ng Modernong Arkitekturang Landscape sa Pilipinas.

Ipinanganak siya noong ika-5 ng Setyembre taong 1929 sa Malabon, Rizal. Nakapag-aral si Ildefonso Santos sa Pamantasan ng Santo Tomas at natapos niya ang kursong arkitektura noong 1954.

Ipinagpatuloy niya ang kaniyang pag-aaral ng arkitektura at master sa University of Southern California School of Architecture.

Basahin: Leandro Locsin

Sa mga nasa larangan ng pagdidisenyo, higit na kilala si Ildefonso Santos sa tawag na IP. Pinili niyang bumalik at pakinabangan sa Pilipinas ang kaniyang mga kaalaman at kahusayan sa kabila ng posibilidad na maging kasosyo siya ng isa sa pinakamalaking kompanya sa arkitekturang landscape sa Estados Unidos.

Ipinakilala niya sa Pilipinas ang mga bagong teknik ng pagsasama-sama ng mga damo, halaman, at palumpong hanggang sa makatuklas siya ng sariling komposisyong magiging tatak IP.

Naging popular ang mga likha ni Ildefonso Santos na mailalarawan bilang pagtatagpo ng malalambot at matitigas na mga elemento tulad ng mga malalaking gusali sa Makati Commercial Center na may pagsasanib ng landscape, puwente, at eskultura.

Tingnan din: Pablo Antonio

Lumikha din si Ildefonso Santos ng daan-daang mga pampublikong espasyo, parke, hardin, liwasan, plasa, at tagpuang panlabas.

Kasama sa mga likha niya ay ang Caliraya Lake Resort na matatagpuan sa Laguna, hardin ng Paco Park, mga natatanging hardin sa Luneta, Manila Hotel, at marami pang iba.

Dahil sa kaniyang pagsisikap na mapaunlad at maisakatuparan ang mga layunin para sa bansa, ipinagkaloob sa kaniya ang Pambansang Alagad ng Sining sa Arkitektura noong 2006.

Basahin din: Juan Nakpil
Kasaysayan ng Pilipinas

ADVERTISEMENT
loading...