Jesse Robredo
ADVERTISEMENT

Si Jesse Robredo ay isang huwarang politikong Pilipino na naglingkod bilang kalihim ng Kagawaran ng Interyor at Pamahalaang Lokal (DILG) ng Pilipinas.

Isinilang siya noong ika-27 ng Mayo taong Lungsod ng Naga, Camarines Sur. Nakapag-aral siya ng elementarya sa Naga Parochial School at doon nagsimula ang hilig niya sa paglalaro ng chess, siya ay nagtapos din ng hayskul sa Ateneo de Naga University noong 1970.

Ipinagpatuloy niya ang kaniyang pag-aaral at nakapagtapos sa kursong Industrial Management Engineering at Mechanical Engineering sa De La Salle University.

Basahin: Demokrasya

Nagsimula ang kaniyang karera sa politika noong 1988 nang maihalal siya bilang alkalde ng Naga—si Jesse Robredo rin ang naging pinakabatang alkalde sa kasaysayan ng Pilipinas at kinilala siya dahil sa ginawang pagpapaunlad sa lungsod na kaniyang nasasakupan.

Dahil sa kaniyang mahusay na pamamalakad, naging pangulo si Jesse Robredo ng League of Cities of the Philippines noong 1995, at naging chairman ng Regional Development Council ng Bicol mula 1992 hanggang 1998.

Pagkaraan matapos ang kaniyang mahigit 19 taong termino bilang isang alkalde, itinalaga siya bilang Kalihim ng Kagawaran ng Interyor at Pamahalaang Lokal sa ilalim ng administrasyon ni Pangulong Benigno Aquio III noong ika-9 ng Hulyo taong 2010.

Silipin din: Luis Taruc

Subalit isang kalunos-lunos na pangyayari ang naganap noong ika-18 ng Agosto taong 2012, nang sumakay siya sa eroplanong Piper PA-34 Seneca sa Cebu papuntang Naga upang dumalo sa swimming competition ng kaniyang anak—at dahil sa paghinto ng makina ng eroplano, nagdesisyon ang piloto na magsagawa ng emergency landing sa Moises R Espinosa Airport sa Lungsod ng Masbate ngunit hindi ito naging matagumpay dahilan ng kaniyang pagkasawi.

Natagpuan ang mga labi ni Jesse Robredo 800 metro mula sa baybayin ng Masbate at 54 metro sa ilalim ng karagatan noong umaga ng ika-21 ng Agosto taong 2012.

Ang ilan sa mga mahahalagang parangal na iginawad sa kaniya ay ang Ramon Magsaysay Award noong 2000 dahil sa mahusay na pagpapatakbo niya sa Lungsod ng Naga, at dalawang posthumous na parangal na Philippine Legion of Honor, Chief Commander at Quezon Service Cross noong 2012.

Basahin din: Nasyonalismo
Mga Pangulo ng Pilipinas