Karunungang Bayan
ADVERTISEMENT

Ang Karunungang Bayan ay tumutukoy sa isang uri ng panitikang idinadaan sa maraming paraan ng pagsagot o pag-iisip ng sagot sa hindi pangkaraniwang tanong.

Ang mga salawikain o kasabihan, sawikain, bugtong, at palaisipan ay kasama sa kabang-yaman ng karunungang bayan ng ating mga ninuno bago pa man dumating ang mga Kastila sa Pilipinas.

Ayon kay Lope K. Santos, ang salawikain o sawikain ay isa sa mga karunungang napag-aralan ng tao hindi sa mga kasulatan o aklat na limbag kundi sa mga aklat ng karanasang nababasa sa bibig ng matatanda.

Karaniwang patalinghaga ang salawikain at sa talinghaga kung iisiping mabuti ay may ibig sabihin o kahulugang nakatago.

Basahin: Wika

Ang bugtong naman ay isang pangungusap o tanong na may doble o nakatagong kahulugan na nilulutas bilang isang palaisipan. Sa panitikang Pilipino, nilalarawan nito ang pag-uugali, kaisipan, pang-araw-araw na buhay ng mga Pilipino.

Ang Palaisipan naman ay isang suliranin o uri ng bugtong (enigma) na sinusubok ang katalinuhan ng lumulutas nito. Sa karaniwang palaisipan, inaasahang lutasin ang palaisipan sa pamamagitan ng pagsama-sama ng mga piraso sa isang lohikal na paraan upang mabuo ang solusyon.

Kadalasang nililikha ang mga ito bilang isang uri ng libangan, ngunit maaari rin namang magmula ito sa seryosong matematikal at lohistikal na suliranin.

Basahin din: Bantas
Panitikan ng Pilipinas