Kwentong Bayan
ADVERTISEMENT

Ang mga kwentong bayan ay bahagi ng ating panitikan noong panahong bago sakupin ng mga Español ang Pilipinas. Kaugnay nito ang mga alamat at mitolohiya.

Ang mga kwentong bayan ay lumaganap at nagpasalin-salin sa iba’t-ibang henerasyon sa paraang pasalindila o pasalita. Ito rin ay nasa anyong tuluyan at karaniwang naglalahad ng kaugalian at tradisyon ng lugar kung saan ito nagsimula at lumaganap.

Napakaraming kwentong bayan ang pumapaksa sa mga hindi pangkaraniwang pangyayari tulad ng ibong nangingitlog ng ginto o di kaya’y mga nilalang na may pambihirang kapangyarihan tulad ng mga diyosa, anito, diwata, engkantada, sirena, siyokoy, at marami pang iba.

Basahin: Mga Maikling Kwento

May mga popular o kilalang kwentong bayan ang bawat rehiyon dito sa Pilipinas. Nagkaroon nga lang ito ng napakaraming bersiyon dahil lumaganap ito nang pasalita, kaya’t minsa’y binabago ng mga tagapagsalaysay ang mga detalye na nagdudulot ng ibang bersiyon sa banghay o pagdaragdag ng mga tauhan.

Sa pagdaragdag ng ibang detalye, nananatili naman ang mga pangunahing tauhan gayundin ang tagpuan kung saan naganap ang kwentong ito.

Uri ng Kwentong Bayan:

1. Kuwentong-bayan Tagalog

2. Mga Kuwentong-bayan sa Bisaya

3. Mga Kuwentong-bayan sa Mindanao

  • Isang Aral para sa Sultan
  • Si Monki, si Makil, at ang mga Unggoy
  • Ang Munting Ibon

Marami pang halimbawa ang mga ito, tulad ng:

  • Kung bakit dinadagit ng Lawin ang mga Sisiw
  • Bakit may pulang palong ang mga Tandang
  • Nakalbo ang Datu
  • Ang Punong Kawayan
  • Si Mariang Mapangarapin
  • Si Juan at ang mga Alimango
  • Naging Sultan si Pilandok
  • Ang Diwata ng Karagatan

Basahin din: Babaylan
Panitikan ng Pilipinas

ADVERTISEMENT
loading...