Leandro Locsin

Si Leandro Locsin ay isang Pilipinong mahusay at modernistang arkitekto, musikero, patron ng sining, at kilalang eksperto sa pottery na Chino at pilantropo.

Isinilang siya noong ika-15 ng Agosto taong 1928 sa bayan ng Silay, Negros Occidental. Nakapag-aral siya sa Konserbatoryo ng Musika sa Unibersidad ng Santo Tomas para sa kursong musika. Ngunit nang malapit na siyang makapagtapos ng pag-aaral, si Leandro Locsin ay pumunta sa kursong arkitektura.

Gayunpaman, ang kaniyang mga arkitektura, gusali man ito o tahanan, ay nagpapakita ng pagtatagpo ng damdamin, imahen, at karakter ng iba’t-ibang larangan ng sining na naging bahagi ng kaniyang karera at buhay.

Basahin: Pablo Antonio

Ang kauna-unahang obra ni Leandro Locsin ay tinawag na Chapel of the Holy Sacrifice na matatagpuan sa UP Diliman na ikinomisyon ni Padre John Delaney, SJ noong 1954.

Ang simpleng disenyo nito ay sumasalamin sa arkitektura ni Locsin na maaliwalas dahil sa bukas na espasyo, payak ngunit maraming atensiyong ibinibigay sa detalye at ornamento na umaangkop sa kaligiran at kaugalian ng mga Pilipino.

Ganito rin ang prinsipyong sinasalamin ng isa sa pinakahuli niyang nilikha—ang Philippine Stock Exchange Plaza. Ang malalaking arko, malawak na bukas na espasyo ng plaza at saganang luntiang kaligiran nito na tila animo’y isang payapang lugar sa gitna ng isa sa pinaka-abalang kalye sa lungsod.

Silipin din: Juan Nakpil

Mula 1955 hanggang 1994, ang pangalan ni Leandro Locsin ay naging kadikit ng halos 100 gusali, karamihan dito ay nasa Lungsod ng Makati. Ang pinakamalaki at pinakamamangha sa lahat ng kaniyang obra ay ang ginawang Istana Nurul Iman—isang palasyo ng Sultan ng Brunei na may kabuuang sukat na 200,000 piye kuwadrado.

Dahil dito, nakatanggap siya ng iba’t-ibang parangal tulad ng: Ten Outstanding Young Men Award for Architecture noong 1959, Pan-Pacific Citation mula sa American Institute of Architects Hawaii Chapter noong 1961, Patnubay ng Sining at Kalinangan Award na natanggap niya noong 1972, ipinagkaloob din sa kaniya ang Pambansang Alagad ng Sining sa Arkitektura noong 1990, at marami pang iba.

Basahin din: Iglesia Filipina Independiente
Kasaysayan ng Pilipinas

ADVERTISEMENT
loading...