Lechon Kawali

Isa sa pinakamasarap na lutong prito ay ang Lechon kawali. Kung saan mayroong crispy at mayroon naman hindi gaano ganun ka crispy. Isa sa magandang kapares ng Lechon kawali ay ang sarsa upang mas maging masarap at malinamnam.

BASAHIN : Pininyahang Manok | Panlasang Pinoy

Kasaysayan

Ang Lechon Kawali ay kilala din bilang Lechon Carajay na ibig sabihin ay malutong na laman ng baboy sa kawali. noon pa man inihahain na ito sa hapag kainan at ultimo sa karinderya kung saan lagi nating makikita na masarap ito kapag may kapares na Lechon Sauce o kaya Toyomansi.

Masarap din itong lechon kawali kapag hinalo sa Monggo, pinakbet at lalong lalo na sa Lechon paksiw. sapagkat saktong sakto ito na ipares sa mga nabanggit na putahe na ito

BASAHIN : Mechado | Panlasang Pinoy

Mga Sangkap ng Lechon Kawali

1Kilo ng Lechon Kawali ( Liempo ng Baboy )
5Kutsara ng Asin
5Maliit na pack ng Paminta
5Butil ng Bawang ( Tinadtad
1Tasa ng Mantik
1Litro ng Sprite

Sangkap ng Sarsa

1⁄2 Tasa ng Toyo
2Kutsara ng Suka
2Butil bawang ( Tinadtad )
2Siling labuyo

BASAHIN : Tinola | Panlasang Pinoy

Proseso ng Pagluluto ng Lechon Kawali

Una : Gamit ang isang kaldero na medyo malalim, ay ilagay ang mga sangkap na baboy, sprite, asin, bawang pamintang buo at dahon ng laurel. Lagyan ng sapat tubig at pakuluin ang tubig gamit ang mataas na apoy. Antayin itong kumulo at saka takpan ang kaldero at hinaan ang apoy sa mababa sa loob ng 45 minuto.

Pangalawa : Pagkatapos ay patayin ang apoy. Hanguin ang baboy at ihiwalay sa pinakuluang tubig. Idrain ang tubig upang madaling matuyo. Ilagay sa loob ng refrigerator at palamigin ng  buong magdamag o 8 oras. Sa isang mangkok, pagsamahin ang patis at calamansi. Pahiran ang karne ng baboy. Maari na itong simulan i-deep fry sa mantika sa loob ng 15 minuto o hanggang maging sobrang lutong ng balat. 

Pangatlo : Gamitan ito ng mababang apoy.  Hanguin at idrain ang sobrang mantika, hayaan lumamig ng bahagya at muling ilubog sa mantika sa pangalawang pagkakataon.

PangApat : Mas magiging malutong ito sa pangalawang salang gamit ang mataas na apoy ngunit saglit lamang upang hindi masunog. Kapag crispy na ang balat, ay maari na itong hanguin at budbrun ng paminta powder.  Pagkatapos ay ihain nalang na kasama ang sawsawan nito.

Gusto mo ba malaman kung anong sangkap at kung pano lutuin ang ibang putaheng pinoy na meron tayo? maaring pindutin lamang ang link na ito Panlasang Pinoy.