Libingan ng mga Bayani
ADVERTISEMENT

Ang Libingan ng mga Bayani ay matatagpuan sa Fort Bonifacio Military Reserve. Ito ay isinagawa noong taong 1947 sa pangunguna ni Pangulong Manuel Roxas.

Ipinagawa ito upang paglibingan ng mga nasawing sundalo noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig. Ang unang pangalan ng libingang ito ay tinawag na Republic Memorial Cemetery na siya namang pinalitan ni Pangulong Ramon Magsaysay at ginawang Libingan ng mga Bayani noong 1957.

Kaugnay nito ang pagbibigay diin sa ginawang pagsasakripisyo ng buhay ng mga sundalo upang ipagtanggol ang ating bansa.

Basahin: Dambana ng Kagitingan

Pagkaraan ay naglaan naman ng 142 ektaryang lote si Pangulong Ferdinand Marcos upang mapalawak ang nasasakop ng libingan ng mga bayani.

Ang libingang ito ay nasa ilalim ng administrasyon at pangangalaga ng Grave Unit Service. Nilalayon nito na magbigay serbisyo sa mga taong yumao sa ilalim ng ilang kondisyon tulad ng: parte ng militar na binawian ng buhay habang nasa serbisyo, mga beteranong Pilipino, Pangulo, at marami pang iba.

Sa kasalukuyan, ilan sa mga matatagpuan sa loob ng libingan ay ang puntod ng mga hindi kilalang sundalo. Noong taong 2009, tinatayang umabot sa 44,007 ang bilang ng mga sundalong nakalibing sa libingang ito. Sina Carlos P. Garcia at Diosdado Macapagal lamang ang mga presidente ng ating bansa ang nakalibing dito. Kalaunan ay inilipat din dito ang puntod ni Ferdinand Marcos.

Basahin din: Araw ng mga Bayani
Kasaysayan ng Pilipinas

ADVERTISEMENT
loading...