Limasawa
ADVERTISEMENT

Ang Limasawa ay isang maliit na pulo na ngayon ay sakop na ng lalawigan ng Leyte na kilala rin sa tawag na Limasawa Island.

Nagtungo rin sa Limasawa si Ferdinand Magellan pagkaraang dumaong ang kaniyang sinasakyan at nagpahinga sa “Homonhon” noong Marso 1521.

Dalawang mahalagang pangyayari ang naganap sa Limasawa. Una, ay ang pakikipagsandugo ni Magellan sa pinuno ng isla na si Raha Kulambu. Ito ay ang unang sandugo ng isang Pilipino at ng isang EspaƱol. Ikalawa, ang tinatawag na “Unang Misa sa Pilipinas” noong Linggo ng Pagkabuhay, ika-31 ng Marso taong 1521.

Basahin: Kasaysayan ng Corregidor

Isinagawa ang misa ni Fray Pedro de Valderrama sa baybayin ng isla. Nang ito ay matapos, iniutos ni Magellan ang pagtitirik ng isang malaking krus sa tuktok ng isang burol na nakaharap sa dagat.

Isang matagal na kontrobersiya kung saan naganap ang unang misa. Sa mga naitala ni Antonio Pigafetta, isinulat niyang “Mazaua” ang pangalan ng pulo. Iginiit ng ilang mananalaysay na ito rin ang “Masagua” na binanggit sa ekspedisyon ni Miguel Lopez de Legazpi sa Butuan.

Gayunpaman, matapos ang pagsusuri sa mga lumang mapa at dokumento, isang monograp ni Fr. Miguel Bernad noong 1981 ang naglinaw na isang pagkakamali ang tradisyong Butuan at ang Limasawa ang tunay na tinutukoy ni Pigafetta na Mazaua.

Basahin din: Digmaang Pilipino-Amerikano
Kasaysayan ng Pilipinas

ADVERTISEMENT
loading...