Maikling kwento

Maikling kwento

Kahulugan

Ang maikling kwento ay isang uri ng panitikan na naglalalaman ng isang maiksing salaysay na may layuning ilahad ang buhay ng pangunahing tauhan. Maaari nitong taglay ang lahat ng elemento ng maikling kwento, kadalasan sa mga maiikling kwento ay mapupulutan ng mga magagandang aral at nagbibigay ng panibagong kaalaman sa kaisipan ng mga bata.

Mga bahagi

Ang maikling kwento ay may tatlong bahagi – ang simula, gitna, at ang wakas ng kwento.

Panimula – Ang panimula ng kwento ay ang unang bahagi ng kwento, ang bahaging ito ay ang kaguguhitan ng kwento. Dito ipinapakilala ang mga pangunahing tauhan at mga tauhan, ipinapakita rin sa bahaging ito ang mga lugar at kung ano ang nangyayari sa kwento. Mahalagang kaaya-aya upang mabihag mo ang atensiyon ng iyong mga mambabasa.

Gitna – Ang gitna ng kwento ay kung saan matatagpuan ang mga suliranin at kung paano ito haharapin ng pangunahing tauhan. Nakapaloob sa bahaging ito ang saglit na kasiglahan, tunggalian at kasukdulan, ang mga pangyayari sa kwento ay unti-unting mapupunta sa katapusan nito.

  • Saglit na kasiglahan – Sa bahaging ito inilalarawan kung papaano magsisimula ang suliranin na kailangan harapin at hanapan ng solusyon ng pangunahing tauhan. Kailangang kaakit-akit itong tignan at may emosyon ang bahagi ng kwento na ito upang mabihag mo ang atensiyon ng mga mambabasa gayundin at mapukaw mo ang kanilang mga damdamin.
  • Ang suliraning kailangan hanapan ng solusyon – Ang bahaging ito ay karaniwang tatlo, ngunit ang bilang nito ay naka depende sa manunulat ng kwento o awtor. Sa bahaging ito ng kwento, dito nangyayari kung papaano mahahanapan ng solusyon ang mga suliraning hinaharap ng pangunahing tauhan. Ang mga kaganapan sa bahaging ito ng kwento ay pasidhi ng pasidhi na siyang gigising sa damdamain ng mga mambabasa.
  • Kasukdulan – Dito isinasaad ang pinakamasidhing kawilihan, ito ay dapat ilarawan ng mabilisan, tiyak, o malinaw at maayos. Upang maging mabisa ang kasukdulan, ito ay hindi nangangailangan ng mga paliwanag. Kailangan lamang nito ay ang maayos na pagkakasunod-sunod kung papaano nahanapan ng solusyon at papaano nalutas ng pangunahing tauhan ang suliranin na kanyang hinaharap.

Wakas – Ito ay ang panghuling bahagi ng kwento kasunod ng kasukdulan. Ang wakas ng kwento ay maaaring maging malungkot o masaya, depende ito sa manunulat o awtor ng kwento. Narito rin mapupulot ang aral ng kwento.

Mga uri ng maikling kwento

Kwento ng tauhan – Inilalarawan ang mga pangyayaring pangkaugalian ng mga tauhang nagsisiganap upang mabigayan ng kabuuan ang pag-unawa sa kanila ng isang mambabasa.

Kwentong katutubong kulay – binibigyang-diin ang mga kapaligiran at pananamit ng mga tauhan, uri ng pamumuhay, at hanapbuhay ng mga tao sa nasabing pook.

Kwentong sikolohiko – ipinadarama sa mga mambabasa ang damdamin ng isang tao sa harap ng isang pangyayari at kalagayan. Ito ang uri ng maikling kwentong bihirang isulat sapagkat may kahirapang ang paglalarawan ng kaisipan.

Kwento ng katatakutan – Ito ay mga pangyayaring kasindak-sindak.

Kwentong Bayan – Inilalahad ang mga kwentong pinag-uusapan sa kasulukuyan ng buong bayan.

Kwento ng kababalaghan – Pinag-uusapan ang mga salaysaying hindi kapani-paniwala.

Madulang pangyayari – Binibigyang-diin ang kapana-panabik at mahahalagang pangyayari na nakapagpapaiba o naka-pagpabago sa tauhan.

Kwentong Pakikipagsapalaran – Nasa balangkas ng pangyayari ang interes ng kwento.

Kwento ng katatawanan Nabbibigay aliw at nagpapasaya sa mga mambabasa.

Kwento ng pag-ibig – Tungkol sa pag-iibigan ng dalawang tao.

Mga elemento ng maikling kwento

Panimula – Dito nakasalalay ang kawilihan ng mga mambabasa.

Saglit na kasiglahan – Naglalahad ng panandaliang pagtatagpo ng mga tauhang masasangkot sa sauliranin.

Suliranin – Problemang haharapin ng tauhan.

Tunggalian – May apat na uri: tao laban sa tao, tao laban sa sarili, tao laban sa lipunan, tao laban sa kapaligiran o kalikasan.

Kasukdulan – Makakamtan ng pangunahing tauhan ang katuparan o kasawian ng kanyang ipinaglalaban.

Kakalasan – Tulay sa wakas.

Wakas – Ito ang resolusyon o ang kahihinatnan ng kwento.

Tagpuan – Nakasaad ang pinangyayarihan ng aksiyon o kwento gayundin ang panahon kung kailan nangyari ang kwento.

Paksang diwa – Pinaka-kaluluwa ng maikling kwento.

Kaisipan – mensahe ng kwento.

Banghay – Pagkakasunod ng pangyayari sa kwento.

Mga Halimbawa ng maikling kwento

Thumblina

Rapunzel

Ang alamat ng lamok

Ang pagong at ang kuneho

Ang alamat ng atis

Ang alamat ng buwaya

Alamay ng daigdig

Alamat ng pagong

Alamat ng butiki

Alamat ng luha

Alamat ng alon sa dagat

Alamat ng rambutan

Iba pang halimbawa

Mga halimbawa ng Maikling kwento