Mariano Gomez
ADVERTISEMENT

Si Padre Mariano Gomez y Guard ay isinilang noong ika-2 ng Agosto taong 1799 sa Santa Cruz, Maynila. Siya ay isang Pilipinong pari at bahagi ng GOMBURZA.

Kabilang siya sa mga paring pinaratangan ng maling pag-aalsa laban sa pamahalaang Kastila sa Pilipinas noong ika-19 daang taon. Si Mariano Gomez ay nilitis at hinatulan ng bitay sa Maynila kasama ang dalawang pang mga pari.

Si Mariano Gomez ay nakapagtapos ng Canon Law, at Teolohiya sa Unibersidad ng Santo Tomas at siya ay naging pari sa Parokya ng Bacoor, Cavite noong ika-2 ng Hunyo taong 1824.

Basahin: Sekularisasyon

Siya ay naging aktibo sa pagpapaunlad ng agrikultura at industriyang pantahanan sa bayang ito. Siya rin ang naging tagapaglutas ng mga sigalot at alitan ng mga pari kung kaya’t siya ay minahal at iginagalang ng lubos ng maraming tao.

Napagtagumpayan rin ni Padre Gomez ang pakikipaglaban para sa mga karapatan ng mga paring Pilipino laban sa mga prayleng Kastila. Siya ang nagsilbing tagapagtanggol ng maraming tao sa mga ipinaglalaban nilang karapatan.

Dahil na rin sa kaniyang pagtatanggol sa mga kababayan, pinaghinalaan siya na kasali sa rebolusyon na sumibol sa Cavite. Kasama sina Burgos at Zamora, si Gomez ay pinatay sa pamamagitan ng garote noong ika-17 ng Pebrero taong 1872.

Basahin din: Kolonya ng Espanya
Mga Bayaning Pilipino

ADVERTISEMENT
loading...