Mayon

Mayon Volcano

image from: https://primer.com.ph/

Ang Mayon Volcano o kilalarin sa tawag na Mount Mayon ay isang sagrado at ang pinaka-aktibong stratovolcano na matatagpuan sa probinsiya ng Albay sa rehiyon ng Bicol, isang malaking isla sa Luzon, Philippines. May taas itong 2,462 metro (8,077 ft), ito ay sikat at laging pinupuntahan ng mga turista dahil sa perpekto nitong hugis apa.

Ang bulkan ay idineklarang pambansang parke noong buwan ng Hulyo 20, 1938, ang kauna-unahan sa Pilipinas. Ito ay muling inuri bilang Natural park at pinangalanang Mayon Volcano National Park noong 2000. Ito ang gitna ng Albay Biosphere na idineklara ng UNESCO noong 2016, at nominado bilang World Heritage Site.

Ito ang pinaka-aktibong bulkan sa Pilipinas, at ang mga aktibidad nito ay minomonitor ng PHIVOLCS sa kanilang punong tanggapan sa probinsiya ng Ligñon Hill mga 12 kilometro ang layo mula sa bulkan.

Basahin: Kasaysayan ng Mayon

Mitolohiya ng Mayon

Pinaniniwalaan na ang bulkan ay ang libingan ng magkasintahan na sina Magayon at Panganoron. Ayon sa sinaunang Bicolano ang pangalang Mayon ay nagmula sa pangalan ng maalamat na prinsesa na si Daragang Magayon. Makalipas ang panahon, ang bulkan ay piniling tirahan ng kataas-taasang diyos ng mga residente ng Bicolano, Gugurang, isa rin sa mga pumili bilang imbakan ng sagradong apoy ng Ibalon. Maraming mga pagdiriwang at ritwal ang isinasagawa sa bulkan kasama narin ang mga tanawin nito.

Lokasyon Mayon

Ang Mayon ay ang pangunahing palatandaan ng probinsiya ng Albay at ng buong rehiyon ng Bicol sa Pilipinas kung saan ito matatagpuan, ito ay may taas na 2,462 metro (8,077 ft) at may layong humigit-kumulang 10 kilometro (6.2 mi) mula sa pampang ng golpo ng Albay papalayo. Ang bulkan ay napapaligiran ng walong (8) lungsod at mga munisipalidad ng Legazpi, Daraga, Camalig, Guinobatan, Ligao, Tabaco, Malilipot, at Santo Domingo, kung saan nahahati ito na katulad ng hiwa ng pastel kung ito ay titignan ang kanilang mga hangganan.

Mga pagsabog ng bulkan

Ang Mayon ay ang pinaka-akitbong bulkan sa Pilipinas na may naitalang 47 na pagsabog sa nakalipas na 500 taon. Ayon sa mga nagobserba sa kasayasayan ng pagsabog nito, ang unang pagsabog ng bulkan ay naganap noong 1616.

Pagsabog noong 1814

Ang pagsabog na ito ay ang pinaka-mapinsalang pagsabog na nangyari sa buwan ng Pebrero 1, 1814. Ang bulkan ay nagbuga ng maitim na abo na siyang dahilan ng mistulang pagkalibing sa bayan ng Cagsawa. Ang mga puno ay nasunog, ilog ay higit na naapektuhan. Ang mga malapit na lugar ay nasira rin dahil sa pagsabog at ng maitim na abo. sa bayan ng Cagsawa, humigit-kumulang 1,200 na residente ang nasawi, kaya ikinonsidera ang pagsabog na ito bilang pinaka-mapinsala sa kasaysayan ng Mayon ayon sa PHIVOLCS. Ang nasabing pagsabog ay pinaniniwalaang nagdulot ng akumulasyon sa atmospheric ash kasabay ang pinsalang idinulot sa pagsabog ng iba pang bulkan tulad na lamang ng pagsabog Mount Tambora sa Indonesia noong 1815.

Pagsabog noong 1881-1882

Mula buwan ng Hulyo 6,1881, hanngang Agosto, 1882, ang Mayon ay sumailalim sa matinding pagsabog. Si Samuel Kneeland, isang naturalist, propesor at heologo, ay personal na inobserbahan ang aktibidad ng bulkan sa araw ng pasko noong 1881, limang (5) buwan bago nagsimula ang nasabing pagsabog.

Pagsabog noong 1897

Ang pinakamahaba at walang tigil na pagsabog ng Mayon ay nangyari noong buwan ng Hunyo 23, 1897, na siyang dahilan ng mistulang pag-ulan ng apoy sa loob ng pitong (7) araw. Ang lava ay muling dumaloy sa sibilisasyon. Labing-isang (11) kilometro pasilangan, ang nayon ng Boracay ay nalibing sa lava na may taas na labin limang (15) metro. Sa munisipalidad ng Santo Dominigo, isang daan (100) katao ang nasawi dahil sa singaw, mga nagliliparang labi o dahil sa mga nagliliparang bato. Ang iba pang nayon katulad ng San Roque, Sta. Misericordia at Santo Niño ay nagmistulang libingan ng mga patay. Ang abo na ibinuga ng bulkan ay nagsanhi ng maitim na ulap na may layong 160 kilometro mula sa sakuna, na siyang kumitil ng buhay ng humigit 400 katao.

Pagsabog noong 1984 at 1993

Sa kabutihang palad, walang mga nasawi sa pagsabog noong 1984 matapos lumikas ng higit sa 73,000 katao papalayo sa danger zones na inirekomenda ng PHIVOLCS. Ngunit noong 1993, dahil sa pagdaloy ng pyroclastic habang nagaganap ang pagsabog 79 katao ang nasawi, karamihan sa mga ito ay mga magsasaka, ito rin ang dahilan kung bakit ang 50,000 na mga residente ay napilitang lumikas papalayo sa danger zones, ayon sa Albay provincial government.

Pagsabog noong 1999

Ang Bulkan ay nagpatuloy sa mga aktibidad nito noong buwan ng Mayo, 1999 na mayroong katayuan sa peligro na nakataas sa Alert Level 1. Sa buwan ng Hunyo 22, 1999, ang bulkan ay nagbuga ng abo na aabot sa sampong (10) kilometro mula sa bukana nito, kaya naman muling itinaas ang Alert Level 1 sa Alert Level 2. Ang nasabing pagbuga ay naitala ng seismic network of the Philippine Institute of Volcanology and Seismology bilang pagsabog na tumagal ng halos 10 minuto.

Pagsabog noong 2000

Ang bulkan ay patuloy sa mga aktibidad nito mula 1991 na sinundan pa ng magkakasunod na pagsabog sa sumunod na dalawang taon.

Sa buwan ng Enero 5, 2000, ang limang (5) kilometrong abo ay ibinuga ng bulkan dahil sa pagsabog nito. Ang mga nakaraang pagbuga ng mga abo kasabay ay naging sanhi ng pagkakaroon ng simburyo ng lava na nagsimula sa buwan ng Pebrero 12. Sa buwan ng Pebrero 23, ang sunod-sunod na pagsabog ay muling nagsimula. Ang PHIVOLCS ay agad na inirekomenda na agad na magsilikas papalayo sa danger zones. Sa buwan ng Pebrero 24, ang PHIVOLCS ay itinaas ang Alert Level sa Alert Level 5, agad na binalaan ang halos walong (8) bayan at isang (1) lungsod ang maaring maapektuhan ng sa pagsabog na may kasabay na pagbuga ng maitim na abo at pagdaloy ng lava, kaya naman libo-libong mga residente ang napilitiang lumikas papalayo sa danger zones. Ang pinaka-mapinsalang pagsabog ay nangyari mula sa buwan ng Pebrero 28 hanggang sa buwan ng Marso 1, mula noon, ang mga aktibidad ng bulkan ay palagiang inoobserbahan.

Pagsabog noong 2001

Inihayag ng NDDC ang pagsabog ay nakaapekto sa 11,529 pamilya (56,853 katao) at napinsalang ari-arian at mga pananim na nagkakahalaga ng  ₱48 million.

Pagsabog noong 2006

Ang ika-48 na pagsabog ng Mayon ay nangyari noong buwan ng Hulyo 13, 2006, kasunod ng paggalaw ng lava na nagsimula sa buwan ng Hulyo 14, 2006. Halos 40,000 na residente ang lumikas mula sa walong (8) kilometrong danger zone sa timog-silangan ng bulkan.

Matapos ang pagsabog at pagbuga nito ng maitim na abo noong buwan ng Septiyembre 1, 2006 isang pangkalahatang pagtanggi sa mga aktibidad ng bulkan ay itinatag. Ibinaba ng PHIVOLCS ang Alert Level mula Alert Level 4 to Alert Level 3 sa buwan ng Septiyembre 11, 2006 at Alert Level 2 sa buwan ng Oktobre 3, 2006 at Alert Level 1 sa buwan ng Oktubre 25, 2006.

Pagsabog noong 2008

Sa buwan ng Agosto 10, 2008, ang mahinang pagsabog na nagbuga ng maitim na abo na aabot sa taas na 200 metro (660 ft) mula sa bukana ng bulkan, na siyang kumalat papunta sa silangan at hilagang-silangan.

Basahin din: Mount Apo