Mga kakanin

Halos lahat naman tayong mga pinoy eh alam na punong puno ng isang katutak na kakanin ang meron sa pinas, na halos kahit saan ka pumunta ay may posibilidad na may makasalubong o makita kang nagtitinda nito. lalong lalo na sa mga gilid ng simbahan.

At ano-anong kakanin nga ba ang dabest na kakanin at pasalubong na meron tayo sa pilipinas?

Puto

PUTO

Ang Puto ay isa sa pinakakilalang gawang mamon ng pilipinas, ito ay madalas na makikita natin sa mga Birthday, Binyagan at kahit pa sa kasal sapagkat masarap nga naman ito, pwede rin ito ipares sa Dinuguan bilang sawsawan nito.

Espasol

ESPASOL

Isa sa pinaka dabest na pasalubong ay ang Espasol na galing laguna, ito ay malambot na kakanin na binudburan ng gatas sabay binalot sa papel, at dahil dyan napakasarap nito at napakamura.

Palitaw

PALITAW

Isa sa kilalang pagkaing Pinoy na Pinoy talaga ay ang Palitaw, sapagkat masarap ito na panghimagas o kaya meryenda. Masarap kainin ito na may kasamang mainit na tsa-a o kaya kape. At maimumungkahi ko ito sainyo na subukan sapagkat madali lang itong lutuin. Sapagkat ang mga pangunahing sangkap nito ay madaling matagpuan dito sa atin.

Suman

SUMAN

Ang Suman ay isa sa pinakapopular na kakanin sa Pilipinas, noong una ay may iisang bersyon lang ito ngunit habang lumilipas ang panahon, padami na ng padami ang bersyon nito na posibleng maging swak lalo sa panlasa mo. Ngayon ay meron nang Suman sa Ibos, Suman sa Lihiya at Balinghoy.

Pitsi-Pitsi

PITSI-PITSI

Sa mga gilid ng simbahan ay talamak ang mga nagbebenta ng mga kakanin, katulad ng Puto Bumbong, Puto, Bibingka at kutsinta. Dito ay makikita din natin ang Pitsi Pitsi na kilalang kakanin na kinudkuran ng niyog at sa pagiging malagkit nito at sarap.

Mga kakanin

KUTSINTA

Ang Puto Cuchinta o kilala sa tawag na Kutsinta ay isang uri ng Steamed Rice Cake na nagmula sa Pilipinas na sikat na sikat na nilalako ng magpuputo, karamihan ng may paborito rito ay kabataan dahil sa angkin nitong lasa, sapagkat gawa ang Kutsinta sa Tapioca, harinang gawa sa bigas, Asukal na pula at lihiya.

Mga kakanin

PUTO BUMBONG

Ang Puto Bumbong ay kilalang pagkain pinoy na naging tradisyon, at halos parte na rin ito ng Pasko tuwing Disyembre, ang putaheng ito ay kakaning gawa sa malagkit na bigas at ito’y kulay ubi o lila.

Mga kakanin

BIBINGKA

Taon-taon tuwing pasko patok na patok ang Puto Bumbong at Bibingka, sapagkat naging tradisyon na ito sa ating bansa na bago sumapit ang kapaskuhan at bagong taon ay kung saan-saan nagsusulputan ang maraming nagtitinda nito, karamihan dito sa simbahan natin makikita, pero pano nga ba magluto ng Bibingka?

Gusto mo ba malaman kung anong sangkap at kung pano lutuin ang ibang putaheng pinoy na meron tayo? maaring pindutin lamang ang link na ito Panlasang Pinoy.