Mount Apo

Mount Apo

Mount Apo
image from: https://www.rappler.com/

Ang Mount Apo o kilala rin sa tawag ng iba na ”Apo sandawa” ay isang tulog na bulkan na matatagpuan sa isla ng Mindanao, Philippines. Ito ay may taas na 2,954 metro (9,692 ft) sa itaas ng antas ng dagat (above sea level), ito ang pinakamataas na bundok sa Pilipinas. Ang Mount Apo ay matatagpuan sa pagitan ng Davao City at probinsiya ng Davao del Sur region XI at Cotabato region XII. Ang pangalan nito ay nangangahulugang ”Master” o ”Grandfather”, wala itong kasaysayan ng pagsabog ngunit ito ay kinokonsidera bilang isang aktibong bulkan dito sa Pilipinas.

Basahin: Mga anyong lupa

Pangangalaga sa bundok

Ang Mount Apo bilang isang pambansang parke

Sa buwan ng Mayo 9, 1936 ang Mount Apo ay idineklarang pambansang parke ng Pilipinas sa proklamasiyon bilang 59 ng Pangulong Manuel L. Quezon kasunod ng proklamasiyon bilang 35 sa buwan ng Mayo 8, 1966, at proklamasiyon bilang 882 sa buwan ng Setyembre 24, 1966. Sa buwan ng Pebrero 3, 2004, ang pag-apuba sa  Republic Act No. 9237 na itinatag bilang pagprotekta sa Bundok ng Apo sa ilalim ng Natural Park na may lawak na 54,974.87 na hektarya (135,845.9 acres).

Mga Anyong Tubig na matatagpuan sa Mount Apo

Mga lawa

May apat na pangunahing lawa ang Bundok ng Apo, isa sa mga sikat na lawa na matatagpuan sa Bundok ng Apo ay ang Lawa ng Agco o mas kilala sa tawag na ”Ang Asul na Lawa” at ang Lawa ng Venado.

Mga Ilog

Ang Bundok ng Apo ay may 19 na pangunahing mga ilog, ngunit sa 19 na ilog na mga ito dalawa lamang ang napag-aralan at nabigayan ng pansin ng SEA-BMB consultants for the Mt. Apo Geothermal Project Environmental Impact Assessment 1991. Ayon sa mga ito, ang dalawang nasabing ilog ay ang ilog ng Marbel-Matingao at Kabacan River-Pulangi River.

Mga Talon

Ang Talon ng Tudaya ng Davao del Sur, sa Mindanao, Philippines, ay ang pinakamataas na talon na matatagpuan sa sa Bundok ng Apo na may taas na  100 metro (328 ft). Ang talon na ito ay dumadaloy sa ilog ng Sibulan hanggang na siyang dumadaloy sa golpo ng Davao.

Basahin din: Kasaysayan ng Mount Apo