Napoleon Abueva

Si Napoleon Abueva ay isang tanyag na Pilipinong iskultor dito sa Pilipinas. Itinuturing din siya bilang Ama ng Makabagong Iskultura ng Pilipinas.

Isinilang siya noong ika-26 ng Enero taong 1930 sa bayan ng Tagbilaran, Bohol. Noong bata pa lamang si Napoleon Abueva ay tinuruan na agad siyang maglilok ni Fidel Araneta—isang Cebuanong iskultor.

Bihasa sa iba’t-ibang larangan ng eskulutra si Abueva, may kakayahan din siyang gumamit ng iba’t-ibang uri ng mga materyales tulad ng kahoy, metal, at bato para sa kaniyang paglililok.

Basahin: Dambana ng Kagitingan

Ilan sa mga likha ni Napoleon Abueva ay matatagpuan sa mga espasyong pampubliko gaya ng Transfiguration—isang matayog na pigurang Kristo na matatagpuan sa Eternal Gardens Memorial Park sa Caloocan; Rebulto ni Teodoro M. Kalaw na matatagpuan sa harap ng Pambansang Aklatan; at marami pang iba.

Maagang naulila sa magulang si Abueva dahil sa pinaslang ito ng mga Hapones noong 1944 sa kadahilanang sila ay gerilya. Gayunpaman, nakapagtapos siya ng Master sa Sining sa Cranbrook Academy of Art sa Michigan, USA noong 1955 bilang isang iskolar ng Fullbright/Smith-Mundt.

Kaniyang ipinagpatuloy ang pag-aaral ng Ceramics sa University of Kansas at Kasaysayan ng Sining sa Unibersidad ng Harvard sa Estados Unidos.

Silipin din: Cesar Legaspi

Si Napoleon Abueva ay pinarangalan at hinirang bilang Dekano ng College of Fine Arts sa Unibersidad ng Pilipinas noong 1978, at nanatili sa posisyong ito hanggang 1989. Bago siya hirangin bilang dekano ng unibersidad, ay itinanghal na siya bilang Pambansang Alagad ng Sining para sa Eskultura noong 1976.

Bukod sa natamasa niyang tagumpay, hindi pa riyan nagtatapos dahil marami pa siyang natanggap na parangal tulad ng: Mga Gawad mula sa Art Association of the Philippines, Republic Award para sa Eskultura, Ten Outstanding Young Men of the Philippines, at Cultural Heritage Award.

Basahin din: Juan Nakpil
Kasaysayan ng Pilipinas