Nuno Sa Punso

0
1730
Nuno Sa Punso

Nuno Sa Punso | Mitolohiyang Pilipino

Sa mitolohiyang Pilipino, ang nuno o nuno sa punso ay isang nilalang na mukhang duwende na kadalasang pinaniniwalaang nakatira sa puno.

Tinawag itong nuno mula sa salitang ninuno dahil sa hitsura nitong matandang maliit. Pinaniniwalaan ding nakapagbibigay ito ng suwerte o kamalasan ang munting nilalang na ito.

Kadalasan sa mga dumaraan sa harap o malapit man sa punso ay nagsasabi ng “tabi-tabi po” upang makaiwas sa malas na maaaring maidudulot nito. Ang nasabing nuno ay mayroong kapangyarihan o mahika na nagbibigay suwerte sa mga taong mabait sa kalikasan, at malas naman sa mga taong masama sa kanila.

Kapangyarihan ng Nuno

Ang sandata ng mga nuno ay kanilang dura na kapag dumapo sa katawan ng tao ay nakapagdadala ng sakit.

Ang ganti ay may katarungan. Kapag sinipa ng tao ang punso, ang paa ng sumipa ay agad na mamamaga. Kung duraan ang punso, ang bibig ng dumura ay magkakasugat. Kung ito naman ay ihian, ang umihi ay magkakaroon ng sakit sa pag-ihi.

Walang magagawa ang mga pangkaraniwang doktor. Ang arbularyo lamang ang makagagamot sa naduraan ng nuno.

Isa sa mga gamot ay ang pag-aalay ng pagkain at alak sa may malapit sa punso, kasabay nito ay ang paghingi ng paumanhin.

Basahin din: Rapunzel
Panitikan ng Pilipinas